I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Barangay coding sa Pasig Mega Market, matagumpay

April 28, 2020 Uncategorized

 

Mga kuha sa Pasig Mega Market na ipinakita ni Mayor Sotto sa kaniyang ulat. (Kuha mula sa Facebook ni Mayor Vico Sotto)

LUNGSOD PASIG, Abril 28 (PIA) — Matapos ang isang linggong pagpapatupad, naging matagumpay ang isinasagawang barangay coding sa Pasig Mega Market. 

Sa naging Facebook Live ni Pasig City Mayor Vico Sotto nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Mayor Sotto na ang pagpapatupad ng barangay coding ay upang maiwasan ang siksikan sa pamilihan at ma-obserbahan ang social distancing.

Batay sa naturang barangay coding, 10 barangay lamang ang pinapayagang mamili sa Pasig Mega Market mula Lunes hanggang Sabado, 5:00AM hanggang 5:00PM.

Iniulat din ni Sotto na 10 mobile palengke na ang patuloy na umiikot sa mga barangay ng Pasig kada araw.

Gayundin, inanunsyo ng alkalde na simula sa darating na Huwebes April 30, ay sisimulan na rin ang barangay coding para sa lahat ng mga establisimiyento sa lungsod. Ang iskedyul ng naturang barangay coding ay kahalintulad din sa iskedyul ng pamimili ng mga barangay sa Pasig Mega Market.
 

Ayon kay Mayor Vico, dalawang beses sa isang linggo rin lamang papayagan ang mga residente na bumili sa mga establisimiyento. Gayundin, kinakailangang dala-dala ang ‘Permit to Leave Premises’ na ipapamahagi ng miyembro ng PNP sa bawat tahanan.

 

Dagdag pa ng alkalde na simula sa darating na Lunes, Mayo 4 ay mahigpit na itong ipapatupad.
 
Samantala, habang bumaba ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod, nanawagan pa rin si Mayor Sotto sa mga residente na patuloy na makiisa sa mga programa ng pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. (Pasig City/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040251

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: