I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Batangas Province, magkakaloob ng P72M dagdag ayuda sa mga barangay

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BATANGAS, Abril 5 (PIA)–Nakatakdang ipamahagi ng pamahalaang panlalawigan ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P72M para sa 1,078 barangay sa buong lalawigan ng Batangas sa Lunes, ika-6 ng Abril 2020.
 
Ang naturang ayuda ay bahagi ng patuloy na pagtulong ng pamahalaang panlalawigan upang matugunan ang kinakaharap na problemang pangkalusugan na dulot ng COVID-19 kung saan nananatiling ipinapatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) hindi lamang sa lalawigan ng Batangas kundi maging sa ibang lugar sa Luzon.
 
Nauna na dito, nagkaloob ang pamahalaang panlalawigan ng halagang P21.5M o  P20K para sa lahat ng 1,078 barangay upang maging paunang ayuda at maitulong sa mga residenteng higit na nangangailangan na pambili ng pagkain at pangunahing kailangan habang sumasailalim sa ECQ.
 
Ang halagang P72M ay nagmula sa pondo ng pamahalaang panlalawigan batay sa inisyatibo ni Governor Mandanas sa ilalim ng Provincial Assistance Program Against COVID-19. Ang halaga ay magkakasamang inaprubahan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.
 
Kaugnay nito, ipapamahagi ang nasabing ayuda sa mga pangulo ng Pambayang Pederasyon ng Ingat-Yaman ng Barangay at ang mga barangay opisyal naman ang maghahatid ng tulong pinansyal sa kanilang mga nasasakupan.
 
Nagpalabas ng schedule ang Provincial Assistance for Community Development para sa pagkuha ng naturang ayuda batay sa distrito: Unang Distrito, alas-8 hanggang alas-9 ng umaga; Ikatlong Distrito, alas-9 hanggang alas-10 ng umaga; Ikaapat at Ikalimang Distrito, alas-10 hanggang alas-onse ng umaga; at Ikalawa at Ikaanim na Distrito, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.
 
Ang tulong ayuda ay inaasahang pakikinabangan ng mga higit na nangangailangang Batangueno na pansamantalang nawalan ng pagkikitaan o hanapbuhay dulot ng pagsunod sa ECQ. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas with reports from PIO Batangas Province)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038136

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: