I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

BSP nagbigay paalala sa publiko para makaiwas sa COVID-19 scams

April 24, 2020 Uncategorized

PASIG CITY, April 24 (PIA) — Pinaalalahanan ng Bangko Sental ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga scams na umiiral sa kabila ng dinaranas na krisis kaugnay ng COVID-19 pandemic. 

Payo ng BSP sa publiko na huwag ibigay ang  personal/banking information tulad ng internet/mobile banking username, password, one-time password (OTP), ATM PIN o secure code.

Sakaling nakapagbigay ng personal financial information, palitan kaagad ang inyong internet o mobile banking password.

Mahalaga ring tingnan mabuti ang sender ng mga texts o emails na matatanggap. Paalala ng BSP na siguraduhin na ang mga ito ay galling sa legitimate sources. Halimbawa, ang mga official government email address at website ay nagtatapos sa @gov.ph.

Tiyakin din na tama ang spelling ng sender details at maging nilalaman na mensahe. Kadalasan ay may mga spelling errors ang mga phishing texts, emails o website. 

Kung makatanggap ng unsolicited calls, texts o emails, manatiling kalmado at huwag magpa-pressure sa mga nanghihingi ng inyong personal information.

Payo ng BSP na agad mag report sa mga kinauukulan tulad ng bank/financial institution, sa BSP o sa pulisya.

Para sa iba pang mga mahahalagang impormasyon, bisitahin ang BSP official Facebook page sa https://www.facebook.com/BangkoSentralngPilipinas/ o kanilang website http://www.bsp.gov.ph/. (BSP/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039923

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading