I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Cagayan PLGU, sinimulan na ang pagbaba ng ayuda sa LGUs 

March 14, 2021 Uncategorized
Isa ang Gonzaga sa mga unang bayan na nakatanggap na ng ayuda mula Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan kahapon.  (Photo by Francis Jorque)

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Marso 31 (PIA) – – – Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan ang pagbababa ng ayuda o food assistance sa iba’t ibang bayan sa lalawigan kahapon, Marso 30.

Ang ayudang ito ay nakalaan sa mga tinaguriang ‘poorest of the poor’ na nakatala sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), mga low income at daily wage earner, 4Ps at maging ng PUMs at PUIs.

Bawat recipient ay makakatanggap ng limang (5) kilong bigas at limang (5) cup noodles ayon sa sa utos ni Governor Manuel N. Mamba.

Bultong ibinababa ng Pamahalaang Panlalawigan ang bigas at cup noodles sa bawat bayan at lungsod ng probinsiya.

Ang mga local government unit ang mangangasiwa ng pag-rerepack ng mga ito at mamamahagi sa mga karapat-dapat na makakatanggap.

Ang ayudang ito ay mula sa Quick Response Fund ng Pamahalaang Panlalawigan na may halagang P42.5 milyon.

Nagsimula ang pagbababa ng ayudang ito sa pamunuan ng Provincial Social Welfare and Development Office, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at Provincial Engineer’s Office kasama ang pwersa ng Provincial Office for People Empowerment, Task Force Lingkod Cagayan at Philippine Army.

Inaasahang maipapamigay na ang mga ito sa iba’t ibang tahanan sa mga susunod na araw pagkatapos ang pagbaba sa bawat bayan.

Samantala, ang food assistance kada bahay ay liban pa sa ibababa ng Pamahalaang Panlalawigan na P200,000 kada barangay sa Cagayan.

Ang ayudang para sa barangay ay gugugulin din para sa pagbili ng food packs para sa taumbayan.

Inaayos na ng Pamahalaang Panlalawigan ang pagbaba ng pondo sa 820 barangays ng Cagayan.

Ang pondo ay ibaba ng dalawang beses (P100K sa dalawang tranches). Ito ay iaabot mismo kay kapitan na siyang mangangasiwa sa pagbaba ng tulong sa bawat bahay na batay sa panuntunan.

“Naglaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng P164 milyon para sa ayudang pinansiyal na ito kada barangay na nasa ilalim pa din ng ‘No Barangay Left Behind’ na program,” ani Governor Mamba.

Sa kabila nito, patuloy namang pinapayuhan ng Gobernador ang lahat na manatili sa loob ng bahay.

Habang kanya namang pinayuhan ang mga barangay na tugunan ang pangangailangan ng bawat Cagayano sa kanilang nasasakupan.

Nakiusap din ang Gobernador sa lahat ng Cagayano na habaan pa ang pasensiya sa panahon ng Covid-19 krisis at kanyang sinambit na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang kanilang makakaya upang maiabot ang tulong sa bawat pamilyang Cagayano. (MDCT/Mia Baquiran/PIA-2)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037596

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading