I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Calapan LGU, patuloy ang pamamahagi ng ayuda 

April 8, 2020 Uncategorized
Dahil sa walang tigil ang pag dating ng mga bigas, delata at iba pa, tuloy-tuloy ang pag re-repack ng mga ipamamahaging relief goods para sa 41,000 residente ng lungsod ng Calapan na isinasagawa sa City Hall araw-araw. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 8 (PIA) – Walang humpay ang pag re-repack ng mga relief goods ng mga kawani ng City Hall na ipamamahagi sa mga residente ng lungsod bilang ayuda sa mga naka home quarantine dahil at sa umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay City Social Welfare and Development (CSWD) Head Juvy Bahia, “Tuloy-tuloy lang ang aming pag re-repack ng mga relief na ihahatid sa mga barangay upang hindi na sila lumabas ng kanilang mga tahanan at maiwasan din ang pag dagsa ng mga tao. Ito din ang utos ng punong lungsod na bigyan ang lahat ng mga apektadong residente kasama ang mga boarders, nangungupahan, mga senior citizens, pamilyang may kamag-anak na may kapansanan o PWD at mga nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan.”

Dagdag pa ni Bahia, nasa humigit-kumulang 41,000 mga residente ang pagkakalooban ng ayuda mula sa pamahalaang lungsod at ilang mga mamumuhunan na nag ambag ng mga bigas, delata at iba pa upang makatulong na maibsan ang gutom at kawalan ng pag-asa na sila ay makababangon pang muli.

Samantala, nanawagan naman si City Mayor Arnan C. Panaligan na “Huwag mawalan ng pag-asa. Sumunod lamang tayo sa nais ng pamahalaan na manatili sa ating mga tahanan at malalampasan din natin ang krisis na ito. Hanggat umiiral ang ECQ na magtatapos sa Abril 30, tuloy din ang suportang ipagkakaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa mamamayan.” (DN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038336

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading