I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Caloocan Medical Center North, pansamantalang isinara dahil sa COVID-19 infection

April 20, 2020 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Abril 20 (PIA) — Pansamantalang isinara ng Caloocan City Government ang Caloocan City Medical Center-North simula ngayong araw hanggang alas-8 ng umaga ng Martes, April 21, 2020 matapos nag-positibo sa COVID-19 ang isang duktor doon.

“Nais kong ipagbigay-alam sa inyo na pansamantalang isasara ang Caloocan City Medical Center-North simula Linggo, ika-19 Abril 2020 hanggang 8:00 ng umaga sa Martes, ika-21 ng Abril 2020,” pahayag ni Mayor Oca Malapitan sa offical website ng lungsod (caloocancity.gov.ph).

“Meron po tayong duktor na bagama’t walang sintomas ay natuklasang positibong may COVID. Marami sa ating mga health workers sa ospital ay regular niyang nakakasalamuha,” dagdag pa ni Mayor Oca.

Aniya, gagamitin ng pamahalaan ang panahon ng lockdown upang magsasagawa ng “mabusisi at komprehensibong” disinfection sa naturang ospital.

“Kaya, sa loob ng dalawang araw na pagsara ng ospital ay gagawin natin ang mabusisi at komprehensibong pagdidis-infect at paglilinis ng nasabing ospital upang pigilan at puksain ang posibleng pagkalat ng sakit sa nasabing ospital,” sinabi ng alkalde.

Gayunpaman, sinabi ng alkalde na patuloy pa rin magseserbisyo ang isa pang ospital ng lungsod na matatagpuan sa ikalawang distrito nito at maaari pa rin komunsulta ng publiko sa itinalagang hotline number para sa mga makararanas ng sintomas.

“Ang Caloocan City Medical Center South na matatagpuan naman sa A. Mabini Street, Poblacion, ay patuloy na magiging bukas sa publiko… Pansamantala, ang mga residente na nangangailangan ng serbisyong medikal ay maaring komunsulta dumulog sa Caloocan City Medical Center-South at sa mga barangay health centers na patuloy na bukas at naninilbihan sa mga residente ng Caloocan,” aniya.

“Maaari pa rin kayong komunsulta sa ating mga duktor sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono 0936-7549753,” dagdag pa nito.

Gayundin, sinabi pa ni Mayor Oca na tuluy-tuloy pa rin ang pag-aasikaso nila sa mga COVID-19 positive patients ng lungsod.

“Patuloy na aalagaan natin sa mga nasabing araw, ang mga PUI natin na nakalagy sa mga isolation tent sa labas ng ospital. Ang hakbang na ito ay kailangan nating gawin upang mapanatili na ligtas, hindi lamang ang mga frontliners kundi pati na rin ang ating mga pasyente at ang publiko,” sinabi niya.

Hindi rin aniya, pababayaan ng pamahalaan ang iba pang pasyente sa naturang apektadong ospital.

“Hindi lahat ng mga pasyente ng ospital ay COVID-related at kailangan pa rin natin silang pangalagaan,” aniya.

“Nais po natin ang magpatuloy na manilbihan ang ating ospital sa lahat ng mga nangangailangan, habang ligtas ang lahat sa sakit na COVID-19,” sinabi pa niya. (PIA NCR)

w, ang mga PUI natin na nakalagy sa mga isolation tent sa labas ng ospital. Ang hakbang na ito ay kailangan nating gawin upang mapanatili na ligtas, hindi lamang ang mga frontliners kundi pati na rin ang ating mga pasyente at ang publiko,” sinabi niya.

Hindi rin aniya, pababayaan ng pamahalaan ang iba pang pasyente sa naturang apektadong ospital.

“Hindi lahat ng mga pasyente ng ospital ay COVID-related at kailangan pa rin natin silang pangalagaan,” aniya.

“Nais po natin ang magpatuloy na manilbihan ang ating ospital sa lahat ng mga nangangailangan, habang ligtas ang lahat sa sakit na COVID-19,” sinabi pa niya.

Matatandaan na ang Caloocan City Medical Center-North ay matatagpuan sa kahabaan Camarin Road, Camarin. (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039446

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading