I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

DA 2: Magtanim ng gulay sa bakuran habang naka-home quarantine

March 29, 2020 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Marso 29 (PIA) – – -Hinihikayat ng Department of Agriculture – Regional Field Office No. 02 (DA-RFO 02) ang publiko na magtanim ng mga gulay habang ang lahat ay nasa Enhanced Community Quarantine.

Isa ito sa mga isinusulong ngayon ng ahensiya upang magkaroon ng sariling pagkukunan ng pagkain ang isang pamilya sa abnormal na panahong ito dulot ng COVID19.

Tinaguriang Gulayan sa Bakuran, ang DA ay magbibigay ng hindi bababa sa dalawang klase ng vegetable seeds sa mga interesadong mamamayan upang itanim sa bakanteng lupa sa kanilang bahay.

Kung walang espasyo, maaring gumamit ng mga basyo na plastic na container katulad ng mineral water, mga sako, lata at iba pang maaaring pagtamnan.

Sinisimulan noong ika-27 ng Marso ang distribusyon ng mga seed sa mga munisipiyo sa pamamagitan ng mga research center at experiment stations ng DA sa mga probinsiya ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Ang ‘KADIWA ni Ani at Kita‘ ay tumulong sa pamimigay ng vegetable seeds. Ang mga kawani sa DA ay mabibigyan din ng mga vegetable seed para itanim.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso A. Edillo, makipag-ugnayan lamang ang mga interesado sa tanggapan ng kanilang Municipal Agriculturist upang maka-avail sa nasabing programa.

“Kailangan na kakain tayo ng gulay para maging malusog at maiwasan ang magkasakit,” aniya.

“Makakamit natin ito kung tayo ay magtatanim. Tutulong po tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga seeds,” dagdag ni Edillo.

Samantala, isasakatuparan din ang urban gardening sa mga siyudad at iba pang malalaking munisipyo sa rehiyon.

Sinabi ni Engr. Blesita Tega, regional coordinator ng High Value Crops Development Program (HVCDP) na nakipag-ugnayan na ang ahensiya sa mga siyudad para dito.

“Inaantay na lang natin ang kanilang pagtugon upang masimulan na rin ang implementasyon nito,” aniya. (MDCT with reports from DA Cagayan Valley/PIA 2)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037482

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading