I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

DA hinikayat ang mga mamamayan na magtanim ng gulay 

April 26, 2020 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, April 24 (PIA) – – Hinikayat ng Kagawaran ng Agrikultura sa rehiyon dos ang mga mamamayan na magtanim habang nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine ang Luzon.

Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo namahagi na sila sa halos lahat ng mga munisipalidad at lungsod ng mga buto ng gulay na maaring gamitin para sa pagtatanim.

“Inaasahan natin na naipamahagi na ito ng mga Municipal Agriculturists natin para maumpisahan na rin ng mga residente ang pagtatanim,” ani Edillo.

Pinayuhan din nito ang mga barangay na sila na ang nagtanim sa kanilang communal garden at ang mga punla ang siyang ipapamahagi sa mga mamamayan para makasiguradong maitanim ito lalo na at wala pang ulan.

Samantala, nilinaw ni Edillo na magkaiba ang Rice Farmer Financial Assistance (RFFA) sa Financial Subsidy for Rice Farmers (RSRF).

Aniya ang RFFA ay dati nang programa ng DA para sa mga apektado ng mababang presyo ng palay noong nakaraang taon matapos maipasa ang Rice Tarrification Law.

Aniya nataon lamang na sumabay ang pamamahagi ng second tranche ng RFFA sa mga ayuda para sa mga apektado ng COVID-19.

Ang FSRF naman ang siyang inilaan para sa mga magsasaka ng palay na apektado sa COVID-19 kung saan may mahigit 17, 000 na makakakuha ng tig-P5000 mula sa Cagayan at Isabela.

“Kaya kung RFFA ang nakuha ng isang magsasaka ay qualified parin siya sa iba pang ayuda ng pamahalaan tulad ng SAP, pero kung FSRF naman ang nakuha ay hindi na qualified sa iba pang ayuda para sa COVID-19,” paglilinaw ni Edillo.

Sa ngayon ay pinag-aaralan narin ng DA ang mga tulong na pwedeng ibigay din sa nga magsasaka ng mais. (OTB/PIA-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040119

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading