I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Dagdag tulong sa SAP, ibibigay ng Pasig LGU

April 13, 2020 Uncategorized

PASIG CITY, April 13 (PIA) — Bilang dagdag tulong sa mga taga Lungsod Pasig na apektado ng enhanced community quarantine bunsod na panganib ng coronavirus disease (COVID-19), magbibigay ang pamahalaang lungsod na supplemental Social Amelioration Program (SAP).

Sa kanyang Facebook live Linggo ng umaga, ipinaliwanag ni Mayor Vico Sotto na ang supplemental SAP ay karagdagang tulong para sa mga taga lungsod. Ayon kay Sotto, mula sa mahigit 200,000 na orihinal na listahan ng Pasig, ay 93,000 lamang ang naaprubahan base sa datos ng 2015 census.

Sinabi ng alkalde na gagawin ng pamahalaang lungsod ang lahat upang matulungan ang mga taga lungsod. Aniya, hahanap ng pondo ang pamahalaang lungsod sa permiso na rin ng Sangguniang Panglungsod.

“Walang palakasan. Kung maaari lahat ng pamilya ay mabigyan ng tulong,” ani Sotto.

Ibinahagi rin ni Mayor Sotto ang karagdagang 100,000 food packs na patuloy na ipinapamahagi sa mga taga lungsod gayundin ang P400 food coupon para sa bawat public school students.

Tuloy-tuloy din aniya ang pamimigay ng tulong pinansyal para sa mga apektadong tsuper ng lungsod.

Samantala, iniulat din ni Mayor Sotto na ang Pasig City Children’s Hospital ay na-convert na rin bilang COVID19 referral center. Aniya, ito ay para mas maging episyente ang medical system at mas maraming ma-accommodate na suspected patients.

Siniguro naman ng alkalde ang hakbang na ito ay sumunod sa pamantayan ng Department of Health. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038782

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading