I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Dalawang barangay sa Palawan, Puerto Princesa, isinailalim sa lockdown

April 22, 2020 Uncategorized
Mahigpit ang ipinatutupad na enhanced community quarantine sa lungsod ng Puerto Princesa kung saan may mga nakatalagang checkpoint sa mga border ng bawat barangay sa siyudad. (Larawan ni Leila B. Dagot/PIA-Palawan) 

PUERTO PRINCESA, Palawan, Abril 21 (PIA) –- Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Puerto Princesa ng mandatory extreme quarantine o lockdown sa Barangay Mangingisda mula noong Abril 15 na magtatagal hanggang 28.

Ito ang ipinag-utos kamakailan ni Mayor Lucilo Bayron matapos na mapag-alamang mayroong mga mangingisda mula sa nasabing barangay ang nanggaling sa probinsya ng Iloilo dahil sa pagtitinda ng mga huling isda at mag-iisang linggo nang nakakauwi sa kani-kanilang mga tahanan.

Ayon sa alkalde, malaki ang posibilidad ng pagkahawa sa pinanggalingang lugar ng mga ito dahil sa mataas na naitatalang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan, gayundin ang naiuulat na community transmission.

Bunsod nito, naglagay ng checkpoint ang lokal na pamahalaan sa pagitan ng Barangay Mangingisda at Luzviminda upang matiyak na walang makalalabas na residente sa komunidad.

Isinailalim din sa offshore isolation ang mga mangingisda upang matiyak na walang mahahawa ang mga ito sakali mang nakakuha ng sakit sa pinuntahang probinsya.

Samantala, ipinasara rin ng lokal na pamahalaan ng Taytay, Palawan ang islang barangay nito na Paly na magtatagal mula Abril 18 hanggang 30.

Sa kabila kasi ng banta ng COVID-19, nagpapatuloy pa rin ang biyahe ng mga mangingisda mula sa isla patungong Batangas kung saan nagbebenta ng isda ang mga ito.

Pangamba ng LGU, may naitatalang 71 na kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Batangas, habang mayroon nang 13 namamatay dahil sa sakit.

Sa ngayon nakatutok ang mga lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na barangay, bagaman nagpapatuloy ang ayuda ng pamahalaan sa mga residenteng apektado ng lockdown sapagkat may mga sistema itong ipinatutupad upang matugunan ang pangangailangan ng mga ito nang hindi na kinakailangan pang lumabas ng kani-kanilang mga bahay. (LBD/PIAMIMAROPA)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039676

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading