I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

DOE, nagkaloob ng PPE sa OMPH

March 14, 2021 Uncategorized
Isinasalansan ni OMPH PHO Dr. Dante Nuestro sa isang plastic ang isa-isang gamit ng PPE para maging isang set mula ulo hanggang paa. Ito ang kanilang ipamamahagi sa mga kawani ng ospital upang maprotektahan sa pagkapit ng COVID-18. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abril 5 (PIA) — Ipinagkaloob ng Dept. of Energy (DOE) ang 25 set ng Personal Protective Equipment (PPE)  sa pamunuan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital (OMPH) upang makatulong sa mga kawani na gumagamot at nagaalaga sa mga Persons Under Investigation (PUI) na isinagawa noong Abril 4.

Kumatawan kay DOE Sec. Alfonso Cusi si DOE Director Atty. Cesar Dela Fuente sa pamamahagi ng mga nasabing kagamitan kay Provincial Health Officer (PHO) at Hospital Administrator, Dr. Dante A. Nuestro na magagamit ng kanilang frontliners na sumusuri sa PUI ward bilang proteksiyon sa COVID-19.

Ayon kay Nuestro, “May dalawang set ang PPE, isa na itong first class PPE na ipinagkaloob sa amin ng DOE dahil ito ay kumpletong set, ibig sabihin mula ulo hanggang paa. Meron itong over-all protective suit, dalawang set ng gloves, face shield, foot protector at apron. Wala lang kasamang N95 face mask at goggles dahil naubusan na ng stock. At ang isa pang set ay para sa nag positive sa COVID-19 na medyo makapal.”

Bukod sa mga PPE, nagbigay din ang tanggapan ng 400 pirasong disposable face mask. Dagdag pa ng doktor, ang PPE ay ginagamit lamang ng isang frontliner sa loob ng isa’t-kalahating araw at pagkatapos itinatapon na. Maliban dito ay may ayuda din na ibinibigay ang Pamahalaang Panlalawigan na mga PPE para sa lahat ng pampubliko at ilang pribadong ospital sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan, may apat na PUI sa nasabing ospital na inaalagaan ng 12-20 mga doktor at nurses.

“Ako at ang buong kawani ng OMPH ay nagpapasalamat kay Sec. Cusi sa pagbibigay ng mga protective gears na ito at bukas ang aming pintuan sa iba pang magkakaloob ng mga ganitong kagamitan” paabot ng pasasalamat ni Nuestro kay Sec. Cusi.

Ayon naman kay Dela Fuente, hindi lamang OMPH ang pinagkalooban nila kundi pati ang mga frontliners sa lungsod ng Calapan, gayundin sa mga bayan ng Puerto Galera, San Teodoro, Baco at iba pang mga bayan kabilang na din ang Occidental Mindoro. Bukod dito, kabilang din sa mga nabigyan ang tanggapan ng Oriental Mindoro Electric Coop. (ORMECO) at sa hanay ng Phil. Army sa buong isla ng Mindoro na sa kabuuan ay 10,000 piraso ng face mask at 120 piraso ng PPE ang ipinagkaloob. (DPCN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038163

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading