I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

DOH: Hindi pa tapos ang laban sa COVID-19 kaya ‘wag magpakampante

April 26, 2020 Uncategorized

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, April 25 (PIA) – – Hindi pa tapos ang ating laban sa Corona Virus Disease (COVID-19) kaya huwag magpakampante at manatili sa loob ng tahanan para maiwasan ang hawaan, ito ang tinuran ni Dr. Leticia Cabrera, ang officer-in-charge ng Kagawaran ng Kalusugan sa Lambak Cagayan matapos nitong kumpirmahin ang tatlong panibagong positibong kaso sa rehiyon.

Aniya bagamat halos dalawang linggong walang naitalang positibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon at ang unang dalawampu’t anim na mga dating pasyenteng nagpositibo sa virus ay nagamot na at nakalabas na sa ospital, hindi pa rin masasabi na wala na talaga ang virus sa lambak.

“Kaya kailangan pa ring mag-ingat at sumunod sa protocol na sa loob lamang tayo ng bahay muna. Huwag lumabas at huwag makipagkumpulan sa mga matataong lugar para siguradong hindi mahawaan,” ani Cabrera.

Ang bagong kasong naitala ay kinabibilangan nina PH7274 na 72 taong gulang na lalake, mula Aritao, Nueva Vizcaya, PH7236 na 28 taong gulang na lalake mula Santiago City, at si PH7308 na 27 taong gulang na lalake mula Alfonsolista, Ifugao subalit nagtatrabaho sa Santiago City.

Sa ngayon ay kasalukuyan nang isinasagawa ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nabanggit na pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

Kaugnay nito nagpasalamat din si Dr. Cabrera sa mga health worker na patuloy pa ring nakikibaka sa kalabang hindi nakikita.

Aniya malaki ang sakripisyo ng nga duktor, nurse at iba lang mga kawani ng mga ospital na umaasikaso sa mga COVID-19 patient para mapagtagumpayan ito.

Maging ang mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya ng gobiyerno ay binigyang pugay din ng kagawaran dahil sa mga inisyatibo at hakbanging isinagawa para makontrol ang pagkalat ng virus. (MDCT/OTB/PIA 2-Cagayan)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040089

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: