I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Good news! 3 pa gumaling sa COVID-19 sa Navotas

April 18, 2020 Uncategorized
Siya si Potenciana Descaya, 60, mula sa NBBS Kaunlaran. Gumaling siya sa COIVD-19. Huwag siyang katakutan o pandirihan. (Photo courtesy of Mayor Toby Tiangco)

CALOOCAN CITY, April 18 (PIA) – Masayang ibinalita ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ngayong Sabado na tatlo pang residenteng COVID-19 patients ang gumaling sa nakamamatay na sakit.

“Tatlo po ang na-discharge ngayon mula sa Navotas City Hospital matapos nilang mag-negative na sa COVID-19,” ani Mayor Tiangco sa Twitter.

Sabi ng alkalde, ang mga pasyente ay nakauwi na sa kanilang bahay matapos ma-confine sa Navoyas City Hospital nang dalawang linggo.

“Sina Emiliano Siochi, 81, mula sa Brgy. San Jose; Potenciana Descaya, 60, mula sa NBBS Kaunlaran; at Elorde Laurente, 58, mula sa NBBS Dagat-dagatan ay ginamot sa Navotas City Hospital sa loob ng mahigit dalawang linggo at ngayon ay nakauwi na sa kani-kanilang bahay,” aniya.

Siya si Elorde Laurente, 58, mula sa NBBS Dagat-dagatan. Gumaling siya sa COIVD-19. Huwag siyang katakutan o pandirihan. (Photo courtesy of Mayor Toby Tiangco)

“Sa ngayon, apat na po ang ating recoveries kabilang na ang naunang galing sa Brgy. San Jose,” dagdag pa nito.

Bagaman magaling na ang mga COVID-19 survivors, binalaan naman ni Tiangco ang sinuman na may umiiral na anti-discrimination ordinance sa lungsod na may kaukulang kaparusahan.

“Paalala lang po. Mahigpit na pinagbabawal ang diskriminasyon sa mga COVID patients. Multa at kulong po ang parusa dito. Wag po sana natin silang kutyain. Matindi po ang kanilang dinanas. Mas kailangan po nila ang ating maluwag na pagtanggap,” babala ng opisyal.

Gayunpaman, malugod nitong binati at pinasalamatan ang mga health workers at frontliners na naging bahagi ng paggaling ng apat nilang residente.

“Binabati po natin at pinasasalamatan ang ating mga health workers at city frontliners. Sigurado akong kasing-saya n’yo ang mga pasyente. Nagbunga na ang inyong pagsisikap at sakripisyo. Makakaasa kayong nasa inyo ang aming buong suporta. Magkakasama tayo sa laban sa COVID-19”, aniya. (PIA NCR)

Siya si Emiliano Siochi, 81, mula sa Brgy. San Jose. Gumaling siya sa COIVD-19. Huwag siyang katakutan o pandirihan. (Photo courtesy of Mayor Toby Tiangco)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039344

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading