I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Isang Pasasalamat

July 4, 2022 dear diary
Sabi nila: “There’s always something to be thankful for.”
Kaya ako din may sasabihin! 🤣✌️ Isang pasasalamat! 💗
Sa lahat ng nagmamahal sa akin, maraming salamat po. Sa mga pagtulong sa akin, kahit hindi ko sinasabi, pero ginagawa pa rin, Thank you. Hindi ko man nasasabi personally pero taos puso ang pasasalamat ko sa inyo. Alam kong alam niyo na kung sino kayo. Isa na lang mahihiling ko talaga, ang mapanatili ang genuine and lasting friendship na nabuo natin. 💗
Kung may nasaktan o na-offend ako dahil sa mga paniniwala o pangbubully ko. Humihingi ako ng paumanhin.
Kung isa ka sa ma-ooffend ko pa lang. Humihingi na ako agad ng paumanhin.
Dahil din sa inyo, may natutunan at matututunan ako.
Kung isa ka sa mga nagsasabing suplado ako, pasensiya na. Nagkakamali po kayo. =)
Sa mga napasaya ko kahit paano, maraming salamat. Kayo ang magiging inspirasyon ko na ipagpatuloy ang paglaban ng taas noo at ngiting tagos hanggang puso sa darating pang mga taon.
Sa mga nakakamiss sa akin, namimiss ko na din kayo. Sobra… pero alam ko namang mas higit ang pagkamiss niyo sa akin. Okay lang yan, darating din ang takdang panahon ng pagkikita natin.
Higit sa lahat, salamat sa pagbigay sa akin ng pamilyang nagbibigay inspirasyon para lumaban at magpatuloy. 🥰
Dahil po sa inyo, ALL IS WELL.
P.S. Promote ko lang ang online tambayan ko. ✊
DISCLAIMER: ‘wag na dalawin kung alam mong ma-ooffend kita para may PEACE OF MIND ang lahat! 🤣
Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading