I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Lucena City, nananatiling nasa ilalim ng total lockdown

April 8, 2020 Uncategorized

LUCENA CITY, Quezon- Abril 8 (PIA) –Nananatiling nasa ilalim ng total lockdown ngayon ang buong lungsod ng Lucena makaraang magkaroon ng limang kaso ng coronavirus disease COVID-19 noong Marso 30 at naging anim kahapong Abril 7, 2020. 

Sa panayam kahapon kay Lucena City Mayor Roderick Alcala sa “Pag-Usapan Natin” TV program, sinabi ng alkalde na may anim na kaso na ng COVID-19 sa lungsod ng Lucena kung saan ang mga ito ay nasa ospital at stable naman sa ngayon ang kanilang kalagayan.

Ayon pa sa alkalde, may mga itinalagang isolation area sa lungsod ng Lucena kagaya ng Grand Riviera Hotel para sa mga Persons Under Monitoring (PUM) at Persons Under Investigation (PUI) bilang ilan sa mga hakbangin at solusyon upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod. 

“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng mga taong tumutulong sa ating ginagawang mga programa at kampanya laban sa COVID-19 dito sa lungsod ng Lucena”, sabi pa ng alkalde.

“Tutulong din po tayo sa nasyonal na pamahalaan sa pagbibigay nila ng ayuda kagaya ng Social Amelioration Program sa mga mahihirap nating mga kababayan dito sa lungsod,” dagdag pa ni Alcala 

Samantala, sinabi din ni Alcala na ang Pamahalaang Panglungsod ay nakatakda ding mamahagi ng bigas sa mga lokal na residente sa mga susunod na araw bilang ayuda sa kabila ng ipinapatupad na ehanced community quarantine upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19. 

“Sa ngayon ang lungsod ng Lucena  ay may 70,000 households,” sabi pa ng alkalde.

Sinabi pa ni Alcala na malapit na ring ipatupad sa lungsod ng Lucena ang pagkakaroon ng rolling stores gayundin ang muling pagbubukas ng public market upang makabili ang mga lokal na residente ng mga pangunahing pangangailangan kagaya ng mga pagkain. 

Samantala, mahigpit pa ring  ipinatutupad sa lungsod na ito ang social distancing gayundin ang pagpapanatili sa loob ng bahay upang makaiwas sa COVID-19 ang mga lokal na residente.  (Ruel Orinday-PIA-Quezon) 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038296

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading