I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Marikina public market, pansamantalang isinara para sa disinfection activity 

April 21, 2020 Uncategorized
Personal na pinangasiwaan ni Mayor Marcy Teodor ang disinfection ng Marikina Public Market. (Larawan mula sa Marikina PIO)

 

PASIG CITY, April 21 (PIA) – Upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili, nagsagawa ng disinfection activity sa Marikina Public Market.

Ang disinfection activity ay nagsimula Lunes hanggang ngayon Martes, April 21. 

Kahapon, ininspeksyon ni Mayor Marcy Teodoro ang Marikina Public Market matapos na ito ay pansamantalang isara.

Ayon sa pamahalaang lungsod, ang isinagawang massive disinfection ay para sa kaligtasan ng publiko at bilang agarang aksyon matapos na pumanaw sa respiratory illness ang isang 72-taong gulang na tindero rito.

Sa utos ni Mayor Marcy, kasalukuyan nang isinasagawa ang contact tracing para matukoy ang mga taong nakasalamuha ng tindero.

Larawan kuha ng Marikina PIO habang isinasagawa ang disinfetion sa Marikina Public Market Market kahapon.

“Bilang pag-iingat, ipinasara natin ang Marikina City Public Market upang makapag-massive disinfection at aggressive contact tracing. Hindi dapat magkaroon ng transmission sa palengke, sa dami ng tao na maaaring magkasakit. Kailangan maging maingat tayo kaysa sa magsisi sa dulo,” wika ni Mayor Marcy.

Nakasara pansamantala ang Wet Section, Grocery Section, Carinderia Section, Fruits and Vegetables Section at Coconut Section/”Niyugan” sa mga nasabing araw. Muli itong bubuksan sa Miyerkules, Abril 22.

Samantala, habang sarado ang Marikina Public Market, nananatili namang bukas para sa mga namimili ang Market Zone na sa mga susunod na araw ay sasailalim din sa disinfection activity.     (Marikina PIO/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039569

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading