I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Market scheduling ipatutupad sa Muntinlupa

April 16, 2020 Uncategorized
Pagpupulong kaugnay sa market schedule sa pangunguna ni City Administrator Engr. Allan A. Cachuela (Photo by Muntinlupa PIO)

QUEZON CITY, Abril 16 (PIA) — Magpapatupad ang Pamahalaang Lungsod ng Muntinlupa ng market scheduling sa Muntinlupa City Public Market (MCPM) simula Huwebes, Abril 16.

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, ang market schedule ay ipinatupad upang mabawasan ang dami ng taong dumadagsa sa pampublikong pamilihan at mapalakas ang pagpapatupad ng social distancing.

“Magpapatupad ng mas mahigpit na physical distancing sa mga pampublikong pamilihan dito sa Muntinlupa, simula Huwebes, Abril 16″ pahayag ni Fresnedi.

“Maaring mamalengke ang mga residente tatlong beses kada linggo mula  6:00 n.u hanggang  6:00 n.h. depende sa skedyul ng kanilang barangay,” dagdag ni Fresndi.

Sa ilalim ng panuntunan, limampung (50) katao lamang ang papayagang pumasok sa loob ng MCPM. Ipinatutupad din ang “No Mask, No Entry” policy. Samantalang, hindi papayagang pumasok ang Senior Citizens, mga buntis, persons with disability, at mga bata.

Narito ang market schedule sa MCPM:

Lunes – SARADO ang palengke para sa paglilinis at disinfection

Martes, Huwebes, Sabado- schedule para sa mga residente ng District 2 mula Barangay Alabang, Ayala Alabang, Cupang, Buli, and Sucat

Miyerkoles, Biyernes, Linggo – schedule para sa mga residente ng District 1 mula Barangay Tunasan, Poblacion, Putatan, and Bayanan

Nagpatawag naman ng emergency meeting sa mga pribadong market operators si Muntinlupa City Administrator Allan Cachuela upang talakayin ang nasabing schedule bilang hakbang upang sugpuin ang pagkalat ng COVID-19 sa lunsod. Hinimok din ni Cachuela ang market operators na sundin ang schedule.

Sinimulan na ng pamahalaang lokal ang targeted COVID-19 mass testing nitong Lunes, April 13, 2020, para sa mga  persons under investigation (PUIs).

Ang PUIs ay isinasakay papunta sa field testing area sa local health office para sa pagkuha ng swab samples. Planong mabigyan ng tests lahat ng PUI ngayong lingo. Nakipagtulungan din ang lokal na pamahalaan sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa processing of samples.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon, maaaring makipag-ugnayan sa Muntinlupa City Government hotline nos. 0977-240-5217 o 0977-240-5218 kaugnay sa COVID-19 testing. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039109

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading