Mass COVID-19 testing sa Parañaque, inumpisahan na

LUNGSOD PARANAQUE, Abril 21, (PIA) — Inumpisahan na ng Pamahalaan Lungsod ng Parañaque ang mass testing para sa corona virus disease (COVID-19) nitong Lunes, Abril 20. Inuna ang humigit kumulang na 200 na suspected cases sa mass testing na ginawa ng pamahalaang lungsod.
Kasunod ng mass testing ang pagbukas ng mga isolation facilities para sa mga residente na positive sa COVID-19.
Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mass testing ay isang malaking hakbang sa laban kontra COVID-19 dahil makatutulong ito upang ma-isolate ang mga taong positibo sa COVID-19 at mapigilan ang pag kalat ng virus.
Ang lokal na pamahalaan ay nagpasya na magsagawa ng mass testing matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pag gamit ng rapid test kits.
Maaalala na naging problema ng bansa ang kakulangan ng test kits para ma-identify kung sino ang mayroong COVID-19 at naging sagod sa pagkukulang na ito ang pag apruba ng FDA sa rapid test kits at ang mga donasyon na test kits ng ibang bansa sa Pilipinas.
Inanusyo din ng lokal na pamahalaan na mag dadagdag ito ng mas maraming health workers para mas mapalawig ang mass testing sa lungsod.
“Before, the lack of test kits hampered us from performing enough tests,” Sabi ni Olivarez. “With the new FDA-approved rapid testing kits, additional personnel and isolation facilities, we hope to ramp up our capability to at least 200 tests per day.”
Isusunod sa mga suspected cases ang vulnerable population kagaya ng mga senior citizens, buntis, at may matagal nang karamdaman.
Ayon kay Olivares, layon ng pamahalaang lungsod na sa pangalawang linggo ng mass testing, lahat ng residente ng Paranaque ay misailalim sa CID-19 testing. (Parañaque PIO/PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1039552