I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Mga marble urns sa Romblon, tumaas ang pangangailangan

April 15, 2020 Uncategorized
Ayon kay Romblon mayor Gerard Montojo, binigyan niya na ng permiso ang apat na marble urns supplier sa kanilang bayan na pansamantalang magbukas muna para mapunan ang mga mga order na marble urns ng ilang distributor at funeral homes sa Metro Manila. (DOLE-Romblon File Photo)

ROMBLON, Romblon, Abr. 14 (PIA) — Inihayag ni Romblon Mayor Gerard Montojo na nagkaroon ng pagtaas sa demand ng mga ‘marble urns’ na gawa sa kanilang bayan kasunod ng pagtaas rin ng bilang ng mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bansa.

Sinabi ito ni Montojo sa ginanap na Defeat Covid-19 meeting nitong Lunes, April 13, sa bayan ng Odiongan, Romblon.

Aniya, binigyan niya na ng permiso ang apat na marble urns supplier sa kanilang bayan na pansamantalang magbukas muna para mapunan ang mga mga order ng ilang distributor at funeral homes sa Metro Manila.

Sa panayam kay Montojo nitong Martes, sinabi nito na may nakarating sa kanilang impormasyon na nagkakaubusan na ng mga urns sa Metro Manila.

“Ang ginagawa daw ata nila ngayon ay parang binabalot nalang sa plastic after cremation, so parang kawawa naman ‘yung namatay. Mas lalong kawawa kung ganun.” ayon sa alkalde.

Sinabi nito na iba’t iba ang bilang mga inoorder sa kanila ng ilang distributor at funeral homes sa Metro Manila.

“With that, nag-issue tayo ng clearance kasi yang marble ay hindi considered na essential [goods] pero siguro ngayon sa may mga nasasawi nagiging essential na ‘yung urns kasi required na ‘yung pasyente na namatay sa Covid virus na ito ay i-cremate. Kahit nga hindi namatay sa Covid-19 ay nirerequire na rin nila sa Manila na i- cremate. Kaya tumaas talaga ‘yung demand ng marble urns,” paliwanag ni Montojo.

Aniya, kahit pinayagan niya na mag-operate ang mga nasabing negosyo, pinaalalahanan parin nito ang mga manggagawa na magkaroon ng striktong social distancing habang nagtatrabaho para makaiwas sa virus. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038983

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading