Midwives, frontliners din sa gitna ng ECQ

LUNGSOD PASIG, MayO 1 (PIA) — Patuloy ang pagbibigay serbisyo medikal ng mga midwives sa gitna ng ipinapatupad na enhanced community quarantine o ECQ sa Metro Manila.
Tuon ang mga midwives sa paghahatid serbisyo na may kinalaman sa pagpa plano ng pamilya sa kabila ng dinaranas na COVID-19 pandemic.
Kamakailan, nanawagan ang Department of Health sa mga mag-asawa na mag practice ng family planning upang makaiwas sa hindi planadong pagbubuntis.
Para sa mga katanungan ukol sa family planning, maaaring makipag-ugnayan sa Commission on Population (POPCOM) NCR sa pamamagitan ng kanilang Facebook page (Commission on Population and Development NCR), mag email sa ncrpopcom@yahoo.com o bisitahin ang kanilang website http://ncr.popcom.gov.ph/. (POPCOM NCR/PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1040608