I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Nag-iisang pasyenteng may Covid-19 sa Romblon, magaling at nakauwi na

April 25, 2020 Uncategorized
Sa panayam ng Philippine Information Agency – Romblon kay Dra. Ederlina Aguirre nitong Biyernes, sinabi nito na pinayagan na ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital sa Aklan ang pasyente na makalabas ng ospital para makauwi sa bayan ng San Jose, Romblon. (Larawan ni Jun Aguirre ng GMA News)

ODIONGAN, Romblon, Abr. 24 (PIA) — Nakalabas na ngayong araw mula sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) sa Aklan ang nag-iisang pasyente ng Romblon na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), ito ay ayon sa Romblon Provincial Health Office.

Ito ay matapos ang test result ng pasyente noong Miyerkules kung saan lumabas na negatibo na sa virus ang pasyente na isang German national mula sa bayan ng San Jose, Romblon.

Sa panayam ng Philippine Information Agency – Romblon kay Dra. Ederlina Aguirre nitong Biyernes, sinabi nito na pinayagan na ng DRSTMH ang pasyente na makalabas ng ospital para makauwi sa bayan ng San Jose.

“Pinayagan na siya ng ospital, at nakipag-ugnayan na rin ang LGU at ang RHU ng San Jose para sa paglipat sa kanya pabalik ng San Jose. Tayo na ang gagawa ng confirmatory test sa kanya para masigurong negative na talaga siya sa virus,” ayon kay Dra. Ederlina Aguirre ng PHO-Romblon.

Samantala, ayon kay San Jose Mayor Ronnie Samson, ang lokal na pamahalaan na umano ang nagpadala ng bangkang masasakyan ng pasyente pabalik sa kanilang isla.

Aniya, idiniretso ito sa kanilang bahay pagdaong sa isla at kinakailangang dumaan ito sa 14 days home quarantine, bilang bahagi ng protocol ng bayan sa kahit sinumang galing sa ibang isla.

Samantala, inanunsyo rin nitong Biyernes ng Romblon Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) na nag negatibo sa Covid-19 test ang isang suspected Covid-19 patient o PUI mula sa bayan ng Sta. Fe, Romblon.

Isa ang pasyente sa mga isinama sa ginawang expanded testing na ginawa ng Department of Health sa Romblon noong nakaraang linggo.

Sa huling taya ng PESU nitong hapon ng April 24, aabot nalang sa anim (6) na PUI ang kasalukuyang binabantayan sa buong probinsya. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040006

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading