I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

P11.54B naipamahagi ng DSWD 4A sa mga LGUs para sa distribusyon ng SAP cash subsidy

April 21, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Abril 21 (PIA) –Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A na nasa P11.54 bilyon na ang kabuuang pondo na naibaba nila sa mga lokal na pamahalaan para sa distribusyon ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DSWD 4A, ang nabanggit na pondo ay naipadala na sa may 136 pamahalaang lokal sa buong CALABARZON para sa 1.77 milyon ng kabuuang 2.24 milyong target na benepisaryo ng DSWD sa ilalim ng SAP.

“Nagsimula noong Abril 11, may 62 na LGUs sa buong CALABARZON ang may ongoing na distribusyon ng cash subsidy,” sabi ng DSWD 4A.

Samantala narito ang bilang ng mga target na benepisaryo na makatatanggap ng P6,500 na cash subsidy sa kada lalawigan sa CALABARZON: Cavite – 495,330; Laguna – 448,328; Batangas – 327,720; Rizal – 306,681; at Quezon -366,860.

Ayon pa sa DSWD 4A, sa mga nabanggit na bilang na benepisaryo, hindi kabilang ang mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil ang cash subsidy para sa kanila ay nakadeposito na sa kani-kanilang cash cards.

Sa ilang pagkakataon, ang ‘assembly type’ na distribusyon ng cash subsidy ay isinasagawa base sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan upang mapabilis ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga benepisaryo. Ito ay ginagawa kapalit ng house-to-house distribution upang maiwasan ang anomang delay na dulot ng kakulangan sa staff at ang banta sa seguridad ng mga taong kasama sa distribusyon.

Sa lahat ng distribusyon ng cash subsidy, istriktong ipinatutupad ang safety measures tulad ng social o physical distancing, at paggamit ng face mask.

Ang Social Amelioration Program ay naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga higit na naapektuhan ng ehanced community quarantine (ECQ) na ipinapatupad upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ini-ulat din ng DSWD 4A na may kabuuang ₱2,995,329,778.27 halaga na tulong ang naipagkaloob na nila sa mga apektadong pamilya ng pagpapatupad ng ECQ. Sa nabanggit na halaga, may 35,920 family food packs (FFPs) na nagkakahalaga ng ₱13,265,700.00 ang naipamigay na. Habang ang ₱2,972,777,001.47 ay ambag ng mga pamahalaang lokal at ₱9,287,076.80 naman ang nagmula sa iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs).

Sa estado ng stockpile at standby funds, ayon sa DSWD 4A, may nakalaang 7,494 na FFPs na nagkakahalaga ng ₱ 2,802,756.00 ang naka-imbak sa GMA at Dasmariñas warehouses ng DSWD 4A habang ang standy funds na nagkakahalaga ng ₱8,280,064.60 ay nasa proseso na ng pagbili ng mga karagdagang relief goods.

May mga naka-reserba ding mga raw materials ang DSWD 4A katulad ng children & adult clothings, home-life supplies, assorted toys, temporary shelter accessories, kitchen accessories, protective supplies, packaging materials, at iba pang raw materials na may kabuuang halagang P10,474,803.08  (CPGonzaga, PIA-4A at ulat mula sa DSWD Region IV-A FB Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039266

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading