Pag-asa at bagong simula, laman ng Easter message ni Duterte

CALOOCAN CITY, April 13 (PIA) — Hinimok kahapon ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga Pilipino na magkaroon ng positibong pananaw na darating ang maganda at bagong simula sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic sa bansa.
“The triumph of the risen Christ presents us all with hopeful assurance that, even as we face adversities, there is always hope of better and new beginnings,” pahayag ni Duterte.
Sa kanyang Easter Sunday message, hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na “mapuno ng galak ang Easter,” o ang Pasko ng Pagkabuhay, para makita ang “kapanatagan” at “lakas” ng pag-asa sa gitna ng “Resureksyon” ni Hesus.
“May this occasion fill us with gladness and enable us to find solace and strength in the narrative of the Resurrection,” anang Pangulo.
Naniniwala si Duterte na ang “pagpapatawad” na hatid ng Easter ay magbibigay din ng inspirasyon sa lahat na mabuhay nang puno ng pag-asa, pasasalamat, at pagpapakumbaba.
Gayundin, ang pagpapakita ng kabutihan at pagtulong sa pamilya, kaibigan, at sa mga nangangailangan.
“In this time of renewal, we are reminded of the grace that comes from selfless love that is able to transcend diverse cultures, faiths, backgrounds, and even circumstances,” aniya.
Sa pinakahuling bilang ng Department of Health alas-4 ng hapon kahapon, ang mga COVID-19 victims sa bansa ay pumalo na sa 4,648.
Nadagdagan ng 240 ang bilang ng mga tinamaan ng naturang nakamamatay na sakit. Umabot naman sa 197 ang bilang ng mga pasyente na naka-recover, samantala nasa 297 ang bilang ng mga nasawi. (PIA NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1038800