I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Pagdura, pagsinga at pagkakalat ng PPE, bawal na sa Muntinlupa

April 16, 2020 Uncategorized

QUEZON CITY, Abril 16 (PIA) — Ipinagbabawal na ng Lokal na Pamahalaan ng Muntinlupa ang pagdura at pagsinga, gayundin ang pagkakalat ng gamit na o kontaminadong personal protective equipment (PPE) sa mga pampublikong lugar.

Ito’y matapos aprubahan ni Mayor Jaime Fresnedi nitong Lunes, Abril 13, ang Ordinance 2020-089 o “Anti-Spitting and Anti-Littering Ordinance of 2020” bilang hakbang laban sa pagkalat ng COVID-19 sa lunsod.

“Sa kadahilanang nakahahawa ang COVID-19 sa pamamagitan contact o respiratory droplets, at may pagpapatunay din na maaari itong mamamalagi sa mga bagay  ng ilang araw, aking inaprubahan ang ordinansa na nagbibigay kaparusahan sa mga taong walang pakundangan dudura, sisinga at magkakalat na maaaring makapagdudulot ng panganib sa publiko upang mahawa ng COVID-19,” pahayag ni Fresnedi.

Sisimulan nang hulihin ng lokal na pamahalaan ang mga indibidwal na walang ingat o sinasadyang dumudura ng mucus, saliva, phlegm, o iba pang substances mula sa bibig, at lantarang bumabahing at sumisinga ng nasal mucus sa mga pampublikong lugar gaya ng mga kalye, mga eskinita, sidewalks, parke, grocery stores, mga palengke, terminals, at iba pa.

Sa ilalim ng Ordinance 2020-089, sinuman, natural or juridical, kusang-loob o hindi sinasadyang magtapon ng PPEs sa mga pampublikong lugar ay parurusahan. Kasama sa ipinagbabawal ang defecating at excreting bodily wastes gaya ng pag-ihi sa mga pampublikong lugar.

Ang mga lalabag sa nasabing ordinansa ay may parusa na pagkakakulong hanggang anim na buwan at magmumulta ng P5000.

Hinihikayat ang publiko na idokumento ang mga paglabag sa pamamagitan ng mga litrato o pagrekord ng video sa kondisyon na ang pag-record ay kinuha nang eksklusibo para sa pag-uulat ng mga layunin sa mga awtoridad upang mag-file ng naaangkop na aksyon o reklamo.

Kamakailan ay inatasan din ng lokal na pamahalaan ang lahat na magsuot ng face masks sa lahat ng oras at sundin ang social distancing. Inuutusan din ang publiko na magsuot ng face masks lalo na kapag lalabas ng bahay, sa lugar ng trabaho, kapag pumapasok sa mga gusali at tanggapan ng gobyerno, at habang nasa mga pampublikong lugar.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga resident sa hotline nos. 0977-240-5217 or 0977-240-5218 kaugnay sa community quarantine at COVID-19 testing. (PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039119

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading