I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Pagsusuot ng face masks sa San Agustin, sapilitan na

March 14, 2021 Uncategorized
Batay sa Executive Order No.13-2020 ni Mayor Madrona, pwedeng isuot ang lahat ng klase ng face masks mapa disposable man ito o reusable katulad ng mga cloth masks, bandanas, washable masks, o do-it-yourself masks. (Paul Jaysent Fos/PIA-Romblon)

SAN AGUSTIN, Romblon, Abr. 8 (PIA) — Ipinag-utos na ni San Agustin Mayor Esteban Madrona Jr., na gawing mandatory o sapilitan na sa publiko ang pagsusuot ng mga face masks kapag lumalabas ng kanilang mga bahay para makaiwas sa sakit na coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Alinsunod ito sa utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).

Batay sa Executive Order No.13-2020 ni Mayor Madrona, pwedeng isuot ang lahat ng klase ng face masks mapa disposable man ito o reusable katulad ng mga cloth masks, bandanas, washable masks, o do-it-yourself masks.

Hinihikayat rin ni Madrona ang mga bukas na establisyemento na tanggihan ang papasok sa kanilang mga lugar ng taong walang suot na face masks.

Inutusan na ni Mayor Madrona ang mga tauhan ng San Agustin Municipal Police Station at Provincial Mobile Force Company na hulihin ang lahat ng susuway sa nasabing kautusan.

Ang mga mahuhuli na lalabag rito ay sasampahan ng kasong paglagbag sa Section 1 ng Republic Act 11332 o mas kilala na Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concert Act.

May parehong executive order na rin na ipinalabas si Mayor Elmer Fruelda ng bayan naman ng Corcuera sa Simara Island, Romblon. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038328

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading