I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Pangulong Duterte, nakatutok sa COVID-19 crisis, hindi sa birthday-Sen. Bong Go

March 30, 2020 Uncategorized

LUNGSOD CALOOCAN, Marso 30 (PIA) — Tumuon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kapakanan ng bansa at sa lahat ng mga Pilipino ngayong may banta pa rin ng COVID-19 kaysa sa kanyang kaarawan, ayon kay Senador Christopher Lawrence “Bong” Go.

“Bilang ama ng bayan, ang nasa isip niya ngayon ay ang kapakanan ng bansa at hindi ang sarili niyang birthday. Sa aking pananaw the President will only celebrate when we have fully conquered the Covid-19 situation,” sinabi ni Go.

Nitong Sabado ang ika-75 kaarawan ng Pangulo, at dahil sa ilang kaganapang pang seguridad na kinaharap ng lider ng bansa ay kinailangan nitong sumailalim sa self quarantine at manatili sa loob ng Malacañang.

“Sa ngayon, nakatuon siya sa kung ano ang kailangang gawin,” dagdag niya, na kahit noon pa raw na alkalde pa lamang ito ng Davao City, na kahit birthday ay mas pinipili nitong manatili na lamang sa bahay at idaos ng simple ang nasabing okasyon.

Sinabi pa ng mambabatas, na sa kabila ng pag-quarantine sa sarili ng Pangulo, patuloy na sinusubaybayan nito ang sitwasyon ng bansa at nakahandang magbigay ng kinakailangang mga utos sa mga opisyal ng gobyerno upang tugunan ang giyera kontra COVID-19.

Si Go, na dating Special Assistant to the President, ay nasa self-quarantine din, aniya, nakikipag-usap siya kay Duterte sa pamamagitan ng telepono ng dalawang beses sa isang araw, ang una sa 6:30 a.m. (PIA NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037495

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading