Pasig City, may 6 COVID-19 testing booths na
April 21, 2020
Uncategorized

LUNGSOD PASIG, Abril 21 – Upang mas matugunan ang backlog sa pagsusuri ng mga suspected at probable cases ng COVID19, naglagay ng anim (6) na testing booths ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig.
Sa kanyang Facebook page, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ang anim na testing booths ay matatagpuan sa mga Super Health Centers ng lungsod.
Nagpasalamat naman si Mayor Sotto sa tulong ng Deecon Electronics at Dee Hwa Liong Academy para sa proyektong ito.
Kamakailan, lumagda rin ng memorandum of agreement (MOA) ang Pamahalaang Lungsod at ang The Medical City para sa COVID19 testing. (Pasig City/PIA-NCR)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1039571
Facebook Comments Box
Related Posts