I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

PPE mula kay VP Leni, dumating na sa Romblon at Marinduque

April 25, 2020 Uncategorized
Ang mga nasabing PPE ay naipamahagi na sa mga Rural Health Unit ng bayan ng Concepcion, Sta. Maria, Odiongan; at sa mga government hospital sa bayan ng Odiongan, Looc, at Cajidiocan. Nakatanggap rin ng parehong PPE ang mga Rural Health Unit ng Mogpog, Sta. Cruz, Gasan; at sa Marinduque Provincial Hospital sa Marinduque. (Larawan ni John Mark Forcado)

ODIONGAN, Romblon, Abr. 24 (PIA) — Natanggap na noong Lunes ang mga gamit ng mga medical frontliners na pinadala ni Vice President Leni Robredo para sa mga ospital at Rural Health Unit sa lalawigan ng Romblon.

Sa request nina Odiongan Mayor Trina Firmalo-Fabic at John Mark Forcado, nabigyan ang Romblon ng mga Personal Protective Equipments (PPE) katulad ng surgical gowns, N95 at surgical face masks, alcohols, medical gloves at face shields.

Ang mga nasabing gamit ay naipamahagi na sa mga Rural Health Unit ng bayan ng Concepcion, Sta. Maria, Odiongan; at sa mga government hospital sa bayan ng Odiongan, Looc, at Cajidiocan.

Nabili ang mga nasabing PPE sa tulong mga donation na natanggap ng ‘Kaya Natin’, partner ng Angay Buhay program at mula sa iniambag ng Office of the Vice President.

Sa pahayag ng Bise Presidente noong nakaraang buwan, sinabi nito na patuloy ang pagsisikap nilang tukuyin, paglaanan ng ayuda, at puntahan ang mga frontliners lalo na umano ngayong panahaon ng kagipit.

Samantala, kanina naman sinimulang ipamigay sa Rural Health Unit ng Mogpog, Sta. Cruz, Gasan; at sa Marinduque Provincial Hospital, ang mga PPE naman para sa probinsya ng Marinduque. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040002

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading