I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

PUI na namatay sa Gensan, negatibo sa COVID-19

April 2, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG HENERAL SANTOS, Apr. 2 (PIA) – Negatibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19)  ang namatay na Person Under Investigation (PUI) dito sa lungsod noong Marso 24 base sa situation report na inilabas ng Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) 12 nitong Linggo matapos lumabas ang resulta ng laboratoryo nito mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Unang naiulat ng DOH-CHD 12 na ang 30 taong gulang na babaeng PUI ay walang travel history sa mga lugar na may local transmission ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Peter Ian Tabar, isang Internal Medicine specialist na siya ring sumuri sa naturang PUI, ang pasyente ay mayroong “matapang na cancer na pwedeng kumalat sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.”

“Nagkataon din po ang pasyente ay yun, dumating sa amin, na first time ko lang po siya nakita, yung typical complaint na inuubo, hinihingal, and gumawa rin po kami ng mga pagsusuri na sa x-ray, ay hindi rin maganda kung tingnan,” ani Tabar.

Ayon sa report ng DOH-CHD XII, ang dahilan ng pagkamatay ng PUI ay “acute respiratory failure secondary to community acquired pneumonia with high risk stage IV chorio carcinoma with lung metastasis,” at negatibo ito sa COVID-19.

Sa pangkalahatan, nananatili pa ring COVID-free ang syudad ng Heneral Santos, ayon kay City Health Officer Dr. Rochelle Oco. (Harlem Jude Ferolino/PIA-SarGen)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037702

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading