I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

QR Code maaaring gamitin para mapabilis ang proseso sa checkpoints

April 4, 2020 Uncategorized
Habang nagpapatrol ng checkpoint, ipinakita ng isang sundalo ng Armed Forces of the Philippines ang RapidPass app. (Photo courtesy of RapidPassPH)

LUNGSOD QUEZON, Abril 4 (PIA) — Isang online application ang inilunsad at ipinakilala sa publiko nitong Biyernes para mabawasan ang person-to-person contact sa mga checkpoint.

Sa isang virtual press conference, inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) spokesperson, na sisimulan na ang paggamit sa Lunes, April 6, 2020, ng “RapidPass” system para mapabilis ang sistema ng pag-check sa mga awtorisadong sasakyan sa checkpoints.

Layon din nitong mapatupad ang social distancing at mapabilis ang daloy ng mga sasakyan sa checkpoints para hindi maantala ang mga serbisyo ng mga awtorisadong sasakyan gaya ng cargo, food delivery, at iba pang healthworkers at nasa front lines.

“Sa RapidPass system, ang frontliners sa checkpoints ay gagamit ng QR code scanners gamit ang kani-kanilang cellphones para i-scan ang unique QR codes na ibibigay sa authorized vehicles at sa mga kababayan natin,” ayon kay CabSec. Nograles.

Sa pamumuno ng Department of Science and Technology (DOST), nakipag-partner ang IATF sa Developers Connect Inc. (DCTx), isang samahan ng Filipino developers and Information Technology professionals na binubuo ng mahigit 500 volunteers mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas para mabuo ang nasabing software.

“Sila po ay grupo na over 500 volunteers na talaga pong nagtrabaho ng overtime para gawin ang sistema na ito, free of charge po ito para sa ating gobyerno at para sa ating mga kababayan,” dagdag ni Nograles.

Ang software na ito ay ilalabas bilang open source software na magagamit din sa ibang panig ng mundo.

Bukod dito, siniguro naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na sumusunod sa national standards for data privacy, security, and resiliency ang nasabing application.

Ayon kay Nograles, sumailalim ang RapidPass system sa maigting na field tests at field trials kasama ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Ang Rapidpass system ay halimbawa ng ating kayang gawin sa pakikipagtulungan at pakikipag-collaborate sa ating mga eksperto mula sa private sector,” ayon kay Nograles.

Narito ang mga hakbang para makakuha ng QR Code sa RapidPass:

Step 1: Pumunta sa RapidPass.ph gamit ang smartphone o electronic device.

Step 2: Mag-apply sa pamamagitan ng pagpasa ng hinihinging impormasyon.

Step 3: Hintayin ang digital approval.

Step 4: Matapos ang approval, ipadadala sa iyo ang QR code sa pamamagitan ng text o email.

Step 5: I-print ang QR Code o i-save sa inyong smartphone.

Maaaring ipakita ang QR code sa checkpoint personnel para ma-scan ito at hintayin ang kanilang go signal.

(MAPA/SGD/PIA-NCR)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038045

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading