I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Star Magic, magaling mangalaga ng imahe ng kanilang mga artista

February 16, 2012 television

IBANG klase talaga mangalaga sa kanilang mga talents ang Star Magic ng ABS-CBN. They do not only mold and build them up kundi pino-protektahan pa nila ito laluna kung nai-involve sa mga kontrobersiya o intriga. Tulad na lamang ng kaso ni Maricar Reyes na isa sa mga babaeng nasangkot sa video scandal ni Hayden Kho. Napangalagaan nila ito nang husto by not allowing her to talk about the issue. Nag-die down ang issue at binigyan nila si Maricar ng sunud-sunod na magagandang projects.

Nanatiling tahimik lamang si Piolo Pascual sa controversial break-up nila ni KC Concepcion. Madali rin namatay ang issue sa suntukan issue sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin na may kinalaman kay Maja Salvador na ginanap sa ball ng Star Magic na ginanap sa Manila Peninsula Hotel last year. Maging ang untimely na pagbubuntis ni Andi Eigenmann courtesy of Albie Casino na talent din ng Star Magic.

Kapag nai-involve ang Star Magic talent sa isang kontrobersiya, maganda ang ginagawang `damage control’ ng talent management ng ABS-CBN.

Alam din ng publiko na si Paulo Avelino ay isang binatang ama pero magmula nang lumipat si Paulo ng ABS-CBN mula GMA, walang pinag-uusapan tungkol sa girlfriend nitong si LJ Reyes at ng kanilang love child na si Ethan Akio.

c/o Journal.com.ph

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading