Tagalog News: 25 kilos na bigas ibinibigay para sa mahihirap na pamilya ng Solano

SOLANO, Nueva Vizcaya, April 10 (PIA) – Nagbibigay ng 25 kilos na bigas ang lokal na pamahalaan ng Solano dito sa lalawigang ito bilang tulong sa mga mahihirap na pamilya na apektado bunsod ng implementasyon ng Enhanced Community Quarantine(ECQ).
Ayon kay Mayor Eufemia Dacayo, ibinibigay ito gamit ang mga sasakyan ng LGU tungo sa mga mahihirap na pamilya sa iba’t-ibang barangay ng bayan.
“Ito ay tulong namin para sa ating mahihirap na mamamayan dahil sa ECQ. May mga susunod pang tulong sa panahon ng ECQ upang maalalayan ang ating mga mahihirap na mamamayan,” pahayag ni Dacayo.
Dagdag pa ng alkalde na ang tulong na bigas ay hango mula sa kanilang calamity fund dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon pa kay Dacayo, handa ang pamahalaang bayan na magbigay tulong sa mga mahihirap na mamamayan upang malagpasan ang panahon ng ECQ dahil sa COVID-19.(MDCT/BME/PIA 2-Nueva Vizcaya)
source https://pia.gov.ph/news/articles/1038563