I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Antipolo E-Palengke sisimulan na ang dry run

April 27, 2020 Uncategorized
Larawan mula sa Antipolo E-Palengke Facebook Page

LUNGSOD NG ANTIPOLO, Rizal, Abril 27 (PIA)— Inanunsyo ni Antipolo City Mayor Andrea Ynares sa kanyang Facebook page na isasagawa na ngayong lingo ang dry run ng Antipolo E-Palengke.
 
Ang Antipolo E-Palengke ay pinangungunahan ng Samahan ng mga Manininda sa City Mall of Antipolo upang maiwasang lumabas ng bahay ng mga mamamayan at mas maipatupad ang social distancing.
 
Maaring puntahan ang Antipolo e-Palengke Page: https://www.facebook.com/Antipolo-e-Palengke-108530234126466 para mag-order mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ng Linggo hanggang Biyernes na may minimum order na P 200.00.
 
Paalala lamang ni Mayor Ynares na walang same day delivery at ang pag-deliver ng order ay ay sa susunod na araw mula 8:00am-5:00pm o sa petsa na gusto ng mamimili. 
 
Ang mga order na lampas sa 12 noon ay sa makalawa na maipapadala.
 
Walang delivery charge ang naturang serbisyo dahil ito ay sasagutin ng pamahalaang lungsod pero cash lamang ang tinatanggap na kabayaran para rito.
 
“Huwag naman po sana may magprank order – bukod sa ito ay hindi nakakatulong, naperwisyo (mo) pa ang tindera at pinagod ang driver,” dagdag ni Mayor Ynares.
 
Bukod sa Antipolo E-Palengke, patuloy rin ang paglilibot ng Antipolo Mobile Market na siyang pinapangunahan rin ng pamahalaang panglungsod at CMA vendors. (PIA Rizal with reports from Jun-Andeng Ynares Facebook Page)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040165

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: