I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: BARMM nagsasaliksik ng posibleng alternatibong testing sa COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG COTABATO, Abr. 2, (PIA) – Nagsasaliksik ngayon pamahalaan ng Bangsamoro sa pamamagitan ng Ministry of Health ng maaaring maging alternatibong testing sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) gamit ang GenExpert machine na orihinal na ginagamit para sa testing ng tuberculosis (TB).

Ayon kay MOH-BARMM Minister Dr. Saffrulah Dipatuan, kung sakali mang maging positibo ang resulta ng pagsasaliksik,  mapadadali na ang testing para sa mga pasyente ng COVID-19 dahil hindi na kinakailangan pang magtungo sa Davao o Manila upang magpa-test.

Aniya, ang Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Lungsod ng Cotabato ay mayroong kinakailangang mga laboratoryo upang isagawa ang COVID-19 testing gamit ang GenExpert Machine.

Samantala, tinitingnan pa ngayon ng MOH-BARMM ang mga maaaring paglagyan ng GenExpert machines sa ibang BARMM referral hospitals na kinabibilangan ng Maguindanao Provincial Hospital, Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City, at iba pang mga ospital sa mga probinsya ng BARMM.

Ang nasabing machine ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) sa pagdetect ng Severe Acute Respiratory Syndrome Coronavirus 2 (SARS-COV-2) na sanhi ng coronavirus. (With reports from BPI-BARMM)

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037751

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading