I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Caraga, naglatag ng contingency plan vs. COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Marso 31 (PIA) — Sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa, puspusan ang health emergency response action laban sa naturang virus ng Department of Health – Center for Health and Development (DOH-CHD) Caraga.

Sa isinagawang 1st Quarter Full Council Meeting ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC), tinalakay ang contingency plan bilang paghahanda sa worst-case scenario lalo na at nakapasok na ang COVID-19 sa Mindanao. 

Kabilang rito ang  pinalakas na pagbabantay at pagtukoy sa resources at response activities kung sakaling lumala ang sitwasyon.

“Itong COVID-19 ay bagong uri ng virus kaya kailangan natin itong paghanda pa lalo. Kailangan nating maniguro sa ating kaligtasan at seguridad. Kaya hangga’t maaari ay sundin natin ang mga guidelines na ipinapatupad ng pamahalaan upang masugpo ang COVID-19,” sabi ni DOH-CHD Caraga regional director Jose Llacuna, Jr.

Bagama’t wala pang naitalang nagpositibo na patients under investigation o PUIs, mas hinigpitan pa ng mga lokal na pamahalan ang pagpapatupad ng localized community quarantine.

Nagsimula na rin ang ilang barangay sa pag-repack at house-to-house distribution ng food packs .

“Ang aming barangay ay naghahanda na rin ng mga family food packs na naglalaman ng bigas, canned goods at instant noodles. Ibabahagi natin ito sa mga pamilyang mas nangangailangan ng tulong,” sabi ni Wilo Montero, punong barangay ng Brgy. Bayanihan, Butuan City.

Sa Surigao del Norte, nakatanggap din ang frontliners ng Caraga Regional Hospital ng health at sanitary supply gaya ng alcohol, anti-bacterial soap at disinfectant maliban sa bigas at iba pang food items.

Samantala, nanawagan naman ang mga nurse na nakadeploy sa barangay health centers na sana ay matugunan ang kanilang kakulangan ng supply ng face mask, gloves at disinfectant.

“Paubos na talaga ang stock namin ng face masks at gloves. Nangangailangan din kami ng face shield. Hiling sana namin ang support ng ating pamahalaan para maprotektahan din ang aming mga sarili habang isinasagawa ang aming mga tungkulin bilang frontliners,” sabi ni Louise Francia R. Centeno, registered nurse ng DOH-CHD Caraga na nagsisilbi sa Barangay Health Center sa ilalim ng national deployment project o NDP.

Sa ngayon ay nanatili pa ring negatibo sa COVID-19 ang Caraga. Ngunit may nananatiling 16 patients under investigation (PUIs) kung saan ang isa nito ay namatay na may pre-existing medical condition na chronic kidney disease. Meron ding 7,550 persons under monitoring (PUMs) kung 5,778 sa kanila ay cleared at tapos na sa isolation period sa ngayon. (VLG/PIA-Caraga)

 

#LagingHanda | #COVID19

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037606

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading