Athan Jacob

Blogger

Nurse

Photographer

Aquarius

Tiger

Athan Jacob

Blogger

Nurse

Photographer

Aquarius

Tiger

Blog Post

Tagalog News: CSWDD, natapos ang pamamahagi ng SAP bago ang deadline

March 14, 2021 Uncategorized
Nag ulat si City Social Welfare and Development Dept. Head Juvy Bahia tugkol sa matagumpay na pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa lungsod sa isinagawang pagpupulong ng CDRRMC sa City Plaza Pavilion kamakailan. (Kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mayo 3 (PIA) — Nakumpleto ang pamimigay ng ayuda ng Social Amelioration Program (SAP) bago matapos ang itinakdang deadline ng Abril 30 ng pamahalaang nasyunal.

Ito ang pinahayag ni City Social Welfare and Development Department (CSWDD) head Juvy Bahia sa pagpupulong ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa City Plaza Pavilion na pinamunuan ni Mayor Arnan C. Panaligan kasama ang iba pang opisyales ng pamahalaang lungsod kamakailan.

Ayon sa puno ng CSWDD, “Malugod kong ibabalita na nakumpleto ng aming tanggapan ang pamamahagi ng SAP sa 62 barangay sa lungsod bago ang itinakdang deadline ng Department of Interior and Local Governmett (DILG) noong Abril 30. Base sa datos at isinagawang survey ng DSWD Listahanan noong 2015, mula sa target beneficiaries na 37 libo, ang naaprubahan lang sa Calapan ay 23,539 na pamilya ang kwalipikadong tatanggap ng SAP na may kabuuang halaga na P117,695,000.00.”

Samantala, may ilan din dumulog sa kanilang tanggapan hinggil sa programa ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) na kung maaari ay isama ang pangalan nila sa emergency assistance ng SAP dahil hindi pa nila natanggap ang ipinangakong ayuda. Sabi ni Bahia, kapag nakalista na sila sa TUPAD ay hindi na sila maaring isama pa sa SAP. Hintayin na lamang anya ang tawag kung kailan ipapamahagi ang ayuda mula sa DOLE.

Dagdag pa ni Bahia, “marami pa din kwalipikadong pamilya ang hindi nabigyan ng tulong pinansiyal kung kaya mula sa target na 37,000 pamilya,  ang naaprubahan lamang ay mahigit 23,000; aming hihilingin sa DSWD na magpondo pa para sa 13,000 pamilya sa lungsod na naitalang indigent o walang sapat na pinagkakakitaan.”

Sa kaugnay na balita. “Sakaling hindi maipagkaloob ang karagdagang bilang na hinihiling ng CSWDD o hindi ito maaprubahan, nakahanda ang pamahalaang lungsod na umayuda sa mga pamilyang hindi mabibigyan ng tulong pinansiyal.” Ito ang ipinahayag ni City Mayor Arnan Panaligan sa nasabing pagpupulong ng CDRRMC.

Ayon sa Punong Lungsod nakahanda ang lokal na pamahalaan na magbigay ng P1,000.00 sa pamilyang mas higit na nangangailangan upang makapamuhay ng maayos. Hangad ni Panaligan na matulungan pa ang mga naghihirap na pamilya lalo sa ganitong krisis na kinakaharap. (DN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1040750

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.