I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Food establishments sa Siargao na pumasa sa inspeksyon, kinilala

April 1, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG SURIGAO, Surigao del Norte, Marso 31 (PIA) — Matapos ang puspusang training at inspeksyon sa mga kainan sa Siargao Island, kinilala ng Department of Science and Technology (DOST) Caraga ang food establishments na pumasa sa Food Establishment Inspection at Grading System o FEIGS. Ito ang  kauna-unahang food grading system sa bansa.

Ang FEIGS ay isang research at development project at proactive measure na naglalayong tugunan ang problema sa food poisoning dahil sa maling food handling.

Sa awarding ceremony, binigyang diin ni  DOST Secretary Fortunato dela Peña ang kahalagahan ng food safety sa public health at tourism industry, lalung-lalo na sa Siargao Island na kabilang sa top tourist destinations ng bansa.

“Sa pagpapanatili ng ganitong klaseng kalidad ng serbisyo at pasilidad, siguradong dadami ang kliyente na galing pa sa ibang bansa ng mga pasadong food establishments at sila na rin mismo ang makakapagsabi sa iba kung saan ito mapupuntahan. Ang grading system na ito ay talagang makakatulong sa mga business owners,” sabi ni Sec. Dela Peña.

Sa 53 food establishments na boluntaryong sumailalim sa pagsusuri, 27 ang nagpakita ng husay pagdating sa sanitation standards.

Binigyan ng grade “A” ang mga nakakuha ng excellent rating at “B” para sa very satisfactory.

Ayon kay Jose Rose Tekseth, may-ari ng Pamomoan Beach Resort sa Del Carmen, Siargao, malaking pakinabang para sa kanila ang FEIGS dahil sa pamamagitan nito ay natugunan nila ang kung ano ang nararapat para pumasa sa standards.

“Sobrang saya namin dahil nagbunga na rin ang aming pagpupursige na pumasa sa criteria ng FEIGS. Proud din kami na maibigay ang malinis at mahusay na serbisyo sa aming mga customers,” sabi ni Tekseth.

Samantala, nagpapasalamat naman si Del Carmen Mayor Proserfina sa DOST sa pagpapatupad ng food safety measures upang masiguro ang kalinisan ng food establishments sa isla.

“Maraming salamat DOST sa technical assistance gaya ng trainings, consultancy and monitoring. Malaking tulong talaga ito sa mga business operator upang mapabuti ang pagproseso at paghahanda ng mga pagkain,” sabi ni Coro.

Napansin din anya ni Evelyn Lao Singuan, may-ari ng King Crab restaurant, na tumaas ang sales nila at nakatanggap ng positibong feedbacks galing sa kanilang mga customer. Ang kanyang negosyong kainan ay nakakuha ng ‘A’ rating dahil sa excellent ito sa cleanliness at food hygiene. 

Ayon kay DOST Caraga regional director Dominga Mallonga, makakatulong rin ang FEIGS para maging batayan ng  mga customer pagdating sa  pagkain at serbisyo.

“Magsisilbi ito bilang marketing leverage dahil mas maraming customers ang tumangkilik sa kanilang negosyo nang malaman ang uri ng standard na kanilang ipinakita. Patunay ito sa tagline ng FEIGS project na ‘clean places, safe food, happy customers.’ At kung masaya ang mga customer wala rin maririnig na reklamo ang mga may-ari,” sabi ni Mallonga.

Ang implementasyon ng FEIGS na nagsimula noong March 2018 ay nakakuha ng mahigit 85 percent approval. Ito ay isinagawa sa siyam na partner LGUs sa Siargao Island. Mayroon itong 1,002 inspectors at food handlers na sinanay sa Food Safety.

Ayon kay Mallonga ay panaghahandaan na rin ng kanilang ahensiya ang pagpapatupad ng FEIGS sa iba pang mga probinsiya at lungsod sa rehiyon.

“Positibo tayo na mas marami pang LGUs ang tutulong na isulong ang FEIGS sa kanilang lugar. Bahagi ng ating expansion plan ay ang paggawa ng ibang checklist na pagbabasehan sa evaluation na akma sa mga ambulant vendors gaya ng mga nagbebenta ng street foods dahil sila rin ay kailangang mag-comply sa sanitation standards,” sabi ni Mallonga.

Ikinasaya naman ng mga taga-Siargao ang tugon ng mga lokal na pamahalaan sa nasabing proyekto.

“Dahil sa FEIGS, nakakasiguro tayong mga customers na malinis at ligtas tayo sa ating kinakain,” sabi ni Meryrose Macabodbod, studyante ng Oguing Navarro Memorial National High School, Sayak, Del Carmen. 

Ang FEIGS ay research at development project at proactive measure na naglalayong maiwasan ang food poisoning outbreaks na maaring sanhi ng hindi maayos na paghahanda ng pagkain at maling pamamaraan ng food handling. (VLG/PIA-Surigao del Norte)

 

#FEIGS #DOST

 

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037691

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading