I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Food pass mula sa DA, tuloy ang pamamahagi

March 30, 2020 Uncategorized
Ang “Food Pass” ay binibigay ng mga mga kawani ng  DA- Agribusiness at Marketing Assistance Division (AMAD) sa rehiyong Mimaropa.  (Larawan mula sa DA RFO Mimaropa)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Mar. 30 (PIA) — Sa kabila ng Enhanced Community Quarantine na pinapatupad sa buong Luzon, patuloy sa pagbibigay ng Food Pass ang Kagawaran ng Pagsasaka (DA) sa mga negosyanteng naghahatid ng mga pagkain at produktong pang-agrikultura.

Ang direktibang ito’y alinsunod sa Memorandum Circular No. 06 ng nasabing ahensya.

Pinangunahan ng Agribusiness at Marketing Assistance Division (AMAD) ang pamamahagi ng food pass sa buong rehiyon at tinatayang noong Marso 24 ay nakapagbigay na ng 106 sa Oriental Mindoro, 321 sa Occidental Mindoro, 65 sa Palawan, 14 sa Marinduque at 4 sa Romblon.

Upang masiguro na magpapatuloy ang mobilisasyon ng mga kargo, mga pagkain, iba’t-ibang produktong pang-agrikultura at agribusiness personnel, ang “food pass” ay magsisilbing pribilehiyo ng mga supplier at trucker na bumibiyahe sa loob at labas ng Metro Manila at iba pang rehiyon sa Luzon.

Ang nasabing atas ay pinagsamang koordinasyong ng  Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP).

Ang mga “food pass” ay may katuwang na control number kaya’t ang mga sasakyang pangbiyahe ng pagkain at mga pangunahing produktong pang-agrikultura ay kinakailangang maiparehistro sa mga tanggapan ng Municipal Agriculture Office, Provincial Agriculture Office o ng nasabing Kagawaran. (LC/PIAMimaropa/Calapan)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037331

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading