I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Ikalawang kaso ng COVID-19 sa OccMin, naitala

March 14, 2021 Uncategorized
Sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Ma Teresa Tan na bagama’t walang travel history ang ikalawang kaso ng COVID-19, hinihintay pa nila ang opinyon ng Regional Epidemiology Surveilance Unit (RESU) kung maituturing bang local transmission ito. (VND/PIA Occ Min)    

SAN JOSE, Occidental Mindoro, Mar. 28 (PIA) — Naitala ngayong araw ang ikalawang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan, ayon sa Provincial Health Office.

Iniulat ni Dr. Ma. Teresa Tan, opisyal ng PHO na positibo sa sakit si PUI No. 103, isang 36 taong gulang na lalaki at residente ng bayan ng Sablayan. Kasalukuyan aniya itong naka-confine sa St. Martin Mission Hospital sa nasabing bayan, at base sa ulat ng pagamutan ay bumubuti na ang kalagayan nito. 

Naging palaisipan naman sa PHO noong una kung saan nahawa ang pasyente. “Wala naman kasi siyang travel history (biyahe sa labas ng lalawigan),” saad ni Dr. Tan. Subalit sa dokumentasyon aniyang ginawa sa pasyente, lumitaw na may dinaluhan itong okasyon noong ikalawang linggo ng Marso kung saan maaari niyang nakuha ang nakamamatay na sakit. “Napag-alaman namin na sa nabanggit na dinaluhang piging ay may mga bisitang nagmula sa iba’t lugar sa labas ng probinsya,” dagdag pa ni Dr. Tan.   

Ayon pa sa opisyal, nagsimula na noon pang Marso 24 ang contract tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente at naka-lockdown na rin ang buong St. Martin Mission Hospital. 

Kaugnay nito, binigyang diin ni Dr. Tan na higit na kailangang manatili sa kani-kanilang tahanan ngayon ang mga residente ng lalawigan at lumabas lamang kung bibili ng pagkain at ibang pangangailangan. Dapat din aniyang sundin ang paulit-ulit nilang panawagan na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng palagian at tamang paghuhugas ng kamay, pananatili ng physical distancing at tamang paraan ng pag-ubo.

Samantala, sa pinakahuling tala ng PHO, may 130 Patients Under Investigation, habang 5,241 naman ang Persons Under Monitoring sa lalawigan. (VND/PIA MIMAROPA)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037476

Facebook Comments Box
Related Posts
%d bloggers like this: