I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: ‘Kadiwa on Wheels’ ng DA umarangkada sa iba’t ibang barangay ng Butuan

April 23, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 23 (PIA) — Umarangkada na sa iba’t ibang barangay dito sa lungsod ang Kadiwa on Wheels ng Department of Agriculture (DA) Caraga upang dalhin ang sari-saring ani ng mga magsasaka at produkto ng mga entreprenuers.

Sari-saring gulay, karne, isda, gatas at mga pang araw-araw ng pangangailan ng bawat pamilya ay pwede ng mabili sa mga barangay na bibisitahin ng Kadiwa on Wheels ng DA sa lungsod ng Butuan. Ang mga naturang agri products ay mas mura pa kumpara sa mga nasa pamilihan.

Hindi naging suliranin sa mga fronliners at sa mga residente sa ibat’ ibang barangay ng Butuan City kahit paman nasa enahanced community quarantine ang buong lungsod at may color coding scheme pang ipinapatupad sa bawat barangay, dahil nasa barangay covered court na nila mismo matatagpuan at mabibili ang kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Ayon kay Kagawad Rolando Apit, ang committee on Agriculture chairman ng Barangay Pangabugan, napakalaking tulong ang pagpunta ng Kadiwa on Wheels sa kanilang lugar, dahil lahat ng kanilang mga residente ay pwedeng bumili dito basta’t magsoot lamang ng face mask at gawin ang social distancing.

Mas pinadali na rin ang pagbili ng pangangailangan ayon kay Sheila Roperos, isang ginang ng Barangay Bading na nakabenepisyo din sa nasabing pamilihan.

Ang Kadiwa on Wheels ayon kay Lynn Pareñas, ang chief ng agribusiness and marketing division ng DA Caraga ay isang tulong hindi lang para sa mga kunsomador kundi lalo na sa mga magsasaka at mga entrepreneurs upang matulongang maibenta ang kanilang mga ani at mga paninda at mga produkto. (NCLM/PIA Caraga)

 

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039734

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading