I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Karagdagang ayuda sa mga mamamayan ng Los Baños, ipinamahagi

March 14, 2021 Uncategorized

LOS BANOS, Laguna, Abril 17 (PIA)– Muling namahagi ng ayuda ang Lokal na Pamahalaan ng Los Baños sa mga mamamayan sa mga piling barangay bilang karagdagang suporta habang sumasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ).

Pinangunahan ni Mayor Caesar P. Perez ang relief operation na isinagawa kahapon, Abril 16 sa anim na barangay. Kabilang ang Tadlac, Lalakay, Timugan, Baybayin, Malinta at Bayog sa mga nabigyan ng ayudang bigas, de lata, kape at tig-iisang manok.

Humingi naman ng pang-unawa ang mga opisyales sa mga residente dahil nasiraan ang truck na mayroong dalang mga buhay na manok na nakatakdang ibahagi.

Bagama’t inaalam pa ang mga susunod na hakbang sa ibang mga barangay, tinitiyak ng pamahalaang lokal ng Los Baños na lahat ng residente nila ay mabibigyan ng tulong at wala silang pipiliin sa estado ng pagbibigyan dahil lahat ay aabutan ng ayuda.

Samantala, sa pinakabagong COVID-19 update na inilabas ng Municipal Health Office, may naitalang dalawang kaso kahapon kung kayat umaabot na sa kabuuang 15 ang COVID-19 confirmed cases sa bayang ito. 

Sa nabanggit na bilang, dalawa dito ang pumanaw na habang ang iba ay kasalukuyang sumasailalim sa quarantine. (CAO/PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039242

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading