I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Laguna isinailalim sa Total Lockdown bilang pag-iingat sa COVID-19

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Mar. 29 (PIA)–Ipinag-utos kahapon ni Governor Ramil Hernandez Marso 28, simula ala-una ng hapon ang implementasyon ng Total Lockdown sa buong lalawigan ng Laguna bilang karagdagang pag-iingat sa nakakahawang sakit na coronavirus disease (COVID)-19. 

Mahigpit na ipinag-utos ng Gobernador sa lahat ng awtoridad sa lalawigan gayundin ang pagsunod ng lahat sa mga panuntunan kaugnay ng pagpapatupad nito.

Ang kautusan ay bunsod ng pagdami ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Laguna kung kaya’t hinihingi ang kooperasyon ng lahat at pang-unawa upang maisagawa ng maayos ang Total Lockdown.

Layunin ng ipinapatupad na Total Lockdown ang maiwasan pa ang pagdami ng mga positibo sa sakit at mabawasan ang mga posibilidad ng local transmission sa mga Lagunense.

Base sa COVID-19 Update na inilabas kahapon ng pamahalaang panlalawigan ng Laguna, nasa 23 na ang bilang ng COVID-19 confirmed cases sa buong Laguna, 680 ang Patient Under Investigation (PUI), ang Person Under Monitoring (PUM) ay 10,136 (ongoing) habang nasa 2,429 naman ang bilang ng PUM na cleared na.

Samantala, patuloy sa operasyon ang mga pangunahing establisimyento na kailangan ng lahat katulad ng money transfer services, mga bangko partikular na ang mga ATM services, supermarket, groceries stores, convenience stores, mga pamilihang bayan at pharmacy o drugstores.

Ang mga frontliners na nagbibigay ng serbisyong medikal, emergency responders at security services ay patuloy pa rin na magbibigay ng kanilang serbisyo para magsugpo ang sakit na COVID-19.

Sa kabilang banda, bilang pag-iingat at seguridad isa lang sa bawat pamilya ang maaaring lumabas sa kanilang tahanan upang bumili ng kanilang mga pangangailangan. (CO, PIA4A)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037471

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading