I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: LGU-SurSur humiling ng dagdag IRA para tugunan ang krisis sa COVID-19

April 11, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 11 (PIA) — Sa patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan ng Surigao del Sur sa krisis sa coronavirus disease (COVID-19), hiniling ni provincial governor Alexander Pimentel ang dagdag na budget o Internal Revenue Allotment (IRA) sa nasabing probinsya.

“Sana mabigyan kami ng additional IRA kasi marami kaming pinapadalhan ng pera, yung mga na-trap at nastranded sa mga borders, yung mga nag-aaral sa amin na ibang lugar na hindi muna namin papapasukin dito sa Caraga lalo na sa Surigao del Sur kasi gusto naming mapanatiling negatibo sa COVID-19 ang buong rehiyon,” ani ni Pimentel.

Binanggit din ng gobernador ang pangangailangan ng mga frontliners ng personal protective equipment, sanitizers/alcohol lalo na at mas pinaigting na ngayon ang hakbang na ginagawa sa mga checkpoints kung saan sumasabak sa operasyon ang mga frontliners mula sa ibat-ibang ahensiya.

Pinasalamatan din ni Gov. Pimentel and ibat-ibang sektor sa kanilang pakikipagtutlungan sa gobyerno.

“Salamat sa patuloy na kooperasyon ng mga mayors, barangays, frontliners, Philippine National Police, Army at iba pang kinauukulang ahensiya dito sa probinsya at sa buong rehiyon ng Caraga. Medyo nag-istrikto tayo, pasensya na,” sabi niya. (JPG/PIA-Caraga)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038669

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading