I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Mga naayudahan ng DSWD sa Romblon, nagpapasalamat

April 22, 2020 Uncategorized
Isa si Rolly Amar, mula sa Looc, Romblon, sa mga nakatanggap ng P5,000 na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development sa pamamagitan ng kanilang Social Amelioration Program. (Larawan mula sa DSWD-Field Office MImaropa)

LOOC, Romblon, Abr. 21 (PIA) — Nagpapasalamat sa pamahalaan ang may aabot sa 25,230 na pamilya na naayudahan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lalawigan ng Romblon ng P5,000 mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Isa sa nakatanggap ng tulong sa probinsya ay ang pamilya ni Shirey Ortigosa mula sa bayan ng Looc, kung saan nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa probinsya dahil parin sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

“Nagpapasalamat ako kay Pangulong Duterte, DSWD, LGU, sa aming kapitan at mga kagawad at higit sa lahat kay Jesus sa tulong na ito. May pambili na kami ng gamot, pagkain at iba pang kailangan. Magtatabi din ng matitira para may madukot in case na may emergency,” ayon kay Ortigosa.

Samantala, nagpapasalamat rin ang pamilya ni Gojelyn Magallanes ng Looc sa DSWD at sa gobyerno sa P5,000 na ibinigay sa kanilang pamilya. Aniya, ibibili nila ito ng gatas para sa kanyang anak at pangangailangan sa kanilang bahay.

Ang nakuhang P5,000 naman ni Rolly Amar ng parehong bayan ay magagamit niya rin umano pambili ng kailangan nila sa kanilang bahay.

“Mabibili ko na po ang maintenance na gamot ng aking asawa na maysakit at pambili ng ulam at iba pang kailangan sa bahay. Salamat sa pamahalaan at sa DSWD,” ayon kay Amar.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang pamamahagi ng ayuda ng DSWD sa 17 bayan sa probinsya ng Romblon. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039675

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading