I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Mga pagdiriwang ng piyesta sa Romblon, kanselado sa buong 2020

April 14, 2020 Uncategorized
Ayon kay Romblon mayor at LMP-Romblon president Gerard Montojo, ang lahat ng gagastusin dapat para sa mga natitirang kapiyestahan ngayong 2020 ay gagamitin na lang para tulungan ang mga pamilyang apektado ng COVID-19 crises sa lalawigan. (PJF/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Abr. 14 (PIA) — Sa bisa ng isang resolution, napagkasunduan ng League of Municipalities of the Philippines – Romblon chapter na kansehalhin na muna ang lahat ng pagdiriwang ng mga kapistahan sa lalawigan ng Romblon hanggang December 31 dahil sa pagtaas ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Romblon mayor at LMP-Romblon president Gerard Montojo, ang lahat ng gagastusin dapat para sa mga natitirang kapiyestahan ngayong 2020 ay gagamitin nalang para tulungan ang mga pamilyang apektado ng COVID-19 crises sa lalawigan.

Ang nasabing resolution ay ipinasa matapos ang 2nd Defeat Covid-19 Task Force meeting sa Odiongan, Romblon noong Abril 13.

Suportado rin ni Congressman Eleandro Madrona ang nasabing desisyon ng mga alkalde.

“Ang desiyon na nabuo natin dito, na kanselahin nalang ang mga pagdiriwang ng mga kapiyestahan hanggang Disyembre 31, imbes na mag-piyesta ang mga LGUs na merong budget, i-reallign nila at idagdag nalang sa itutulong nila sa kanilang mga constituents,” ayon kay Madrona na dumalo rin sa 2nd Defeat COVID-19 Task Force meeting.

Nagbigay rin ng suhestiyon si Madrona na magsagawa na lang ng simpleng misa kesa magsagawa ng malaking pagtitipon na may kaugnayan sa isang piyesta.

Samantala, sa huling tala ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit, nanatiling isa ang kaso ng COVID-19 sa lalawigan at ito ay kasalukuyang naka-admit sa isang pampublikong ospital sa Aklan. (PJF/PIA-Mimaropa)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038856

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading