I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Nagcarlan, COVID-19-free na

April 23, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, Abril 23 (PIA)– Mula sa apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay COVID-free na ang bayan ng Nagcarlan, Laguna matapos magnegatibo ang mga pasyente sa naturang sakit.

Sa pamamagitan ng Facebook post, ipinagmamalaking ipinagbigay alam ni Mayor Ody Arcasetas sa publiko na gumaling na rin ang dalawang frontliners na kamakailan ay nagpositibo sa COVID-19.

Aniya pa, sa tulong ng Rural Health Center sa pangunguna ni Dr. Cindy Quebrado kasalukuyan ay ligtas na ang mga pasyente mula sa nakahahawang sakit.

Kinilala ang mga pasyente bilang sina NAG P-03, isang lalaki na may edad 33 mula sa Barangay Abo at si NAG P-04 isang babae na may edad 44 residente naman ng Barangay Sinipian.

Sa kabila ng magandang balita, walang pagod na ipagpapatuloy 24-oras ng mga frontliners mula sa naturang bayan ang pagsisiguro na ang mga daanan pagpasok at paglabas ng kanilang bayan ay kanilang mahigpit na babantayan, gayundin ang malawakang pagsasagawa ng disinfection sa buong bayan.

Bilang tugon naman sa mga mamamayan na nakikiisa at sumusunod sa ipinatupad na Enhanced Community Quarantine upang masugpo ang COVID-19 ay taos-pusong nagpapaabot ng pasasalamat si Punumbayan Ody Arcasetas.

Mula sa apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19, nadagdagan pa ng dalawa ang gumaling na sa sakit at naging hudyat na COVID-Free na ang bayan ng Nagcarlan, Laguna. (CAO/PIA4A with report from Nagcarlan Mayor Ody Arcasetas)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1039815

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading