I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Pagtulong sa mga frontline worker sinisiguro ng LGU Kidapawan City

March 14, 2021 Uncategorized

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato, Mar. 31 (PIA)—Sinisiguro ngayon ng pamahalaang panlungsod ng Kidapawan na matutulungan ang lahat ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan na nagtatrabaho sa pamamagitan ng pagpapatupad ng quarantine measures sa siyudad kontra COVID-19.

Ang mga empleyadong ito ay ginawang augmentation support sa limitadong bilang ng mga health care worker na nakadestino sa mga entry point ng lugar kasunod ng ipinatutupad na community quarantine sa lungsod.

Ayon kay city mayor Joseph Evangelista, pangunahing gawain ng mga empleyado ay ang pagsasagawa ng thermal scanning sa mga pasahero at motorista at pagdisimpekta sa mga sasakyan na dumadaan sa mga checkpoint.

Ang mga ito ay nagtatrabaho sa pamamagitan ng shifting at rotational basis.

Sinisiguro din ng lokal na pamahalaan na nabibigyan ng pang-araw-araw na pagkain ang mga frontliner kabilang na ang mga kawani ng Philippine National Police at Philippine Army.

Ang mga empleyadong ito ay makatatanggap din ng hazard pay mula sa pamahalaang panlungsod.

Samantala, inihayag ni Evangelista na kamakailan, ipinatupad na sa mga opisina ng pamahalaang panlungsod ang work from home scheme para sa mga empleyadong hindi nakadestino sa labas ng opisina at may itinalaga ding skeletal workforce upang masigurong nagpapatuloy ang mga mahahalagang serbisyo sa lungsod.  (With reports from LGU Kidapawan City)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037528

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading