I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Pamahalaang bayan ng Pagbilao, patuloy ang pamamahagi ng bigas

April 1, 2020 Uncategorized

PAGBILAO, Quezon, Abril 1 (PIA)–Namahagi ang pamahalaang bayan ng Pagbilao ng ayudang bigas sa mga residente ng 27 barangay at magpapatuloy sa pamamahagi sa mga susunod na araw sa kabila ng patuloy na pagpapatupad ng enhance community quarantine (ECQ) dahil sa banta ng coronavirus disease (COVID)-19.

Ayon kay Mayor Shierre Ann Portes Palicpic, nagpapasalamat siya sa mga taong may mabuting kalooban na nagbigay ng ayudang bigas kagaya ni Quezon 1st District  Rep. Wilfrido Mark Enverga, 400 sako, at Gob. Danilo Suarez, 200 sako na ipamamahagi sa mga residente sa pamamagitan ng mga namumuno sa barangay. 

“Nagpapasalamat din ako sa pamahalaang panlalawigan at iba pang mga taong tumulong sa pagkakaloob ng tulong na bigas para sa mga mamamayan ng Pagbilao sa panahong ng ECQ kung saan pansamantalang hindi nakapagtatrabaho ang ilan nating mga kababayan,” sabi pa ng alkalde

Matatandaan na ang pamahalaang bayan ng Pagbilao ay nauna na ring nagbigay ng tulong na bigas sa mga residente bilang paunang ayuda makalipas ang ilang mga araw na pagpapatupad ng ECQ. Ang pondo na ipinangbili ng bigas ay nagmula sa MDRRMC trust fund na hindi nagamit noong taong 2016 at 2017. 

Sa ngayon ay nanatiling COVID-19 free ang bayan ng Pagbilao at  patuloy na ipinapatupad ang mga preventive measures kagaya ng social distancing sa mga pamilihang bayan at mga botika, curfew hours mula alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga gayundin ang community quarantine upang makaiwas ang mga tao sa COVID-19. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1037624

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading