I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: Pangangailangan ng mga indigents, senior citizens sa hinaharap na krisis sa COVID-19, tinutugunan ng DSWD-13

April 6, 2020 Uncategorized

LUNGSOD NG BUTUAN, Abril 6 (PIA) — Sa gitna ng krisis ngyon sa bansa dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy na tinutugunan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya at senior citizens sa rehiyon.

Ayon kay Marko Davey Reyes, regional information officer ng DSWD-Caraga, isa sa mga programa para sa mga senior citizens ay ang Social Pension, kung saan makakatanggap sila ng P3,000 para sa 1st semester na budget.

Maliban riyan, sa tulong ng mga local government units at kinauukulang ahensiya sa rehiyon, patuloy rin ang pagbibigay ng food at non-food essentials sa kanilang sektor.

“Patuloy ang aming pagbibigay serbisyo sa pamamagitan AICS o ang assistance to individuals in crisis situations, kung saan tinutugunan ng ahensiya ang pangangailangang medical, pagpapalibing ng yumaong kapamilya at cash assistance. Nagbibigay rin ang DSWD ng pagkain at pamasahe ng mga mahihirap na mga mamamayan,” ani ni Reyes.

Magandang balita naman ito para sa senior citizens. “Malaking tulong sa tulad kong senior citizens ang ibinibigay na serbisyo ng DSWD, dahil nabibili ko rin ang kailangan kong gamot at maging sa iba pang pangangailangan ng aking pamilya,” pahayag ni Victoria Nerpio, isang social pensioner sa Butuan City.

Samantala, nilinaw din ni Reyes na sa bagong guidelines, ang mga lokal na pamahalaan na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang kanilang prayoridad sa pagbibigay ng augmentation sakaling magrequest ang mga ito sa kanilang ahensiya.

Binigyang-diin din niyang handa naman ang DSWD na magbigay tulong sa mga LGUs dahil may nakalaan na silang budget para dito at may naka-prepositioned na rin na mga food packs.

“May 7,999 family food packs ang inihanda ng DSWD-Caraga na nagkakahalagang P6,530,183.70. Ang mga food packs na ito ay naka prepositioned na rin sa ibat-ibang strategic areas ng rehiyon,” dagdag ni Reyes.

Sa walk-in clients naman, sinabi ni Reyes na limitado sa 50 kliyente lamang sa isang araw ang kanilang tinatanggap dahil sa social distancing. (JPG/PIA-Caraga)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038101

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading