I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

I Am Athan

Kakampink

Blogger

Social Media Influencer

Nurse

Blog Post

Tagalog News: PRO mahigpit ang ipinatutupad na disinfection para iwas-COVID-19

April 5, 2020 Uncategorized
Kailangan dumaan sa tire bath at foot bath ang mga papasok sa PRO Mimaropa upang masigurong ligtas ang lahat sa COVID-19. Makikita sa larawan ang isang pulis na tinitignan ang kanyang temperatura at pagkatapos aapak sa foot bath bago pahintulutang pumasok sa kampo. (Larawan kuha ni Dennis Nebrejo/PIA-OrMin)

LUNGSOD NG CALAPAN, Oriental Mindoro, Abr. 5 (PIA) — Mahigpit na ipinatutupad ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa sa mga kawani ng kapulisan at mga bisitang papasok sa Camp Efigenio C Navarro sa lungsod na ito ang pagdaan sa proseso ng disinfection upang masiguro na magiging ligtas ang kampo sa banta ng COVID19.

Ito ang bagong direktiba na ibinaba ni Police Regional Director, BGen Nicerio D. Obaob na ipinatupad simula noong Marso 30, ang proseso ng disinfection para masiguro na hindi makakapasok ang virus sa hanay ng kapulisan.

Ayon sa heneral, “Pagpasok pa lamang sa gate ng kampo, ang mga sasakyan ay kailangang dumaan sa tire bath at pagkatapos pabababain ang driver at pasehero para kuhanan ng temperatura ay maghuhugas ng kamay gamit ang alcohol at sa huli ang pag-apak sa foot bath.”

Samantala, humihingi din ng paumanhin si Obaob sa mga papasok sa kampo dahil medyo maabala ng kaunti ang proseso ngunit ito naman ay para na rin aniya sa kaligtasan ng lahat. (DPCN/PIA-OrMin)

source https://pia.gov.ph/news/articles/1038104

Facebook Comments Box
Related Posts

Discover more from I Am Athan

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading